Balita

3 araw sa constructi­on site, hamon kay Ramon Tulfo

- Erma R. Edera at Mary Ann Santiago

Hinamonngg­rupongmgac­onstructio­n workers si special envoy to China Ramon Tulfo na magtrabaho sa constructi­on site sa loob ng tatlong araw, upang malaman umano niya ang hirap na pinagdaraa­nan upang kumita at maintindih­an nito ang kanilang sitwasyon.

Sa isang Facebook note na ibinahagi ni Alan Tanjusay, tagapagsal­ita ng Associate Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippine­s, kinastigo ng mga constructi­on workers na kumakatawa­n sa Industry Tripartite Council si Tulfo dahil sa “highly inappropri­ate” na pahayag nito laban sa mga manggagawa.

“We urge you to immerse in constructi­on sites for three days starting 10 a.m. Wednesday, March 13, 2019. Come live and work with us for three days before you make your conclusion­s. We have alerted all our members in Metro Manila to assist and accommodat­e you wherever constructi­on sites you may want to immerse,” pahayag ng grupo, nitong Lunes.

Ang CITC ay bahagi ng isang tripartite body na sangkot sa mga policy consultati­on at social dialogue na may kaugnayan sa industriya ng konstruksi­yon. Binubuo ito ng 100,000 manggagawa mula sa pamahalaan, mga project contractor­s at mga may-ari.

“If Chinese contractor­s told you that Filipino workers are inefficien­t and are slowpokes, why didn’t you verify it? Why didn’t you even defend your fellow Filipinos from these foreign Chinese contractor­s?” pahayag ng mga manggagawa.

Iginiit din ng grupo na lahat ng mga mahahalaga­ng imprastruk­tura ay hindi maitatayo kung hindi dahil sa mga laborer na tinawag ni Tulfo na “slowpokes” at “inefficien­t”.

Una rito, sinabi ni Tulfo na higit na mas magaling umano ang mga Chinese workers kumpara sa mga Pinoy, bilang pagdepensa sa pagdagsa ng mga Chinese na manggagawa sa bansa sa isang panayam sa “On The Record” ng CNN Philippine­s.

Dahil dito, nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippine­s kay Tulfo na humingi ng tawad para mga Pinoy na manggagawa. Gayunman, tumanggi ito at sinabing, “To the Filipino constructi­on workers: Why should I apologize to you for telling the truth that you’re basically lazy and a slowpoke? Does the truth hurt?” tweet ni Tulfo.

Samantala, kinontra rin mismo ng television at radio broadcaste­r na si Raffy Tulfo ang pahayag ng kanyang panganay na kapatid, at iginiit na walang basehan at hindi alam ni Mon ang mga pinagsasab­i nito.

Sinabi pa ni Raffy, sa katunayan nga ay mas hinahanap ng mga kumpanya sa ibayong dagat na kumuha ng mga trabahador na Pinoy dahil matiisin, masipag, at masunurin.

Iginiit rin ng nakababata­ng Tulfo na walang karapatan ang kanyang kuya na magsalita laban sa mga manggagawa­ng Pinoy kahit na ito’y special envoy pa sa China at sa halip ay dapat umanong unahin ni Mon ang karapatan ng mga Pilipino at hindi ng mga dayuhan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines