Balita

Kabisado na namin ang isa’t isa - BiGuel

- Ni NORA V. CALDERON

LABIS ang pasasalama­t ng magka-love team na Bianca Umali at Miguel Tanfelix, na pagkatapos ng sampung proyekto na ginawa nila sa GMA Network, at sa ika-11 serye nila ay sila pa rin ang magka-love team. Nagsimula silang magtambal noong 2011, sa Magic

Palayok, nasundan ito ng Paroa, Ang Kwento ni Mariposa, Basang Sisiw, Nino, Wish I May, Ismol Family, Once Upon A Kiss, Mulawin vs.

Ravena, Kambal, Karibal, at ngayon sa newest primetime spectacle, ang Sahaya.

Ang Sahaya ay isang inspiring story of a determined and special Badjaw na dumanas ng maraming pagsubok sa buhay, pero nanatili siyang matatag hanggang sa kilalanin at hangaan ng mga tao ang kanyang mga tagumpay.

Si Bianca ang gumanap na Sahaya, isang magandang Badjaw na may extraordin­ary abilities. Si Miguel naman ay si Ahmad, ang childhood friend niya na laging nasa tabi niya at minahal siya no matter what.

“Sa ten years na po naming magkakilal­a at magkatraba­ho ni Miguel, nakilala na namin ang isa’t isa, profession­ally and personally, sabay po kaming lumaki rito,” sabi ni Bianca. “Kaya po thankful kami dahil kami pa rin ni Miguel ang magkatamba­l dito sa ‘Sahaya’. Marami kaming training na ginawa rito kaya lalo po naming in-appreciate ang isa’t isa dahil patuloy kaming nagkakatul­ungan.”

“Thankful po kami sa big opportunit­y na patuloy na ipinagkaka­tiwala sa amin ng GMA,” sabi ni Miguel. “Masaya po ako na muli kaming magkatamba­l ni Bianca rito. As a love team, wala na po kami dapat gawing adjustment dahil natural na lumalabas ang acting na kailangan namin dahil kabisado na namin ang isa’t isa.”

Napakagand­a ng AVP (Audio Visual Presentati­on) kaya lamang ay hindi pumayag ang GMA na kunan ito, kaya sorpresa ito sa pagpapalab­as nila ng Sahaya na magsisimul­a sa Monday, March 18, sa kanilang world premiere, pagkatapos ng Kara Mia. Kasama rin sa cast sina Migo Adecer, Eric Quizon, Zoren Legaspi, Mylene Dizon, Snooky Serna, Ana Roces, Ashley Ortega, with the special participat­ion of

Jasmin Curtis Smith, Benjamin Alves, Gil Cuerva, Karl Medina

at sa direksyon ni Zig Dulay.

 ??  ?? Bianca at Miguel
Bianca at Miguel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines