Balita

John, ayaw makasama sa proyekto si Mylene

- Nitz Miralles

MAGKASAMA sa GMA-7 sina John Estrada at

Mylene Dizon, pero hindi sa iisang show. Si John ay nasa cast ng Kara Mia bilang si Arthur na asawa ni Aya (Carmina Villarroel) at ama nina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz).

Si Mylene naman ay kasama sa cast ng Sahaya na gumaganap sa role ni Manisan, ina ni Sahaya (Bianca Umali) at dito ay ma-i-involved siya kay

Zoren Legaspi. Balik-Kapuso si Mylene sa Sahaya na magpapilot sa Monday, March 14, pagkatapos ng Kara Mia.

Na-interview si John ni

Rommel Gonzales sa premiere night ng pelikulang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story at natanong tungkol sa reaksyon niya na pareho na silang nasa Kapuso ni Mylene?

Sinabi ni John na may nagbanggit daw sa kanya ng tungkol dito at ang sagot niya, “trabaho ‘yun at kailangan ni Mylene ng trabaho”. Saka pareho silang artista at nagtatraba­ho lang.

Sa tanong kung tatanggapi­n niya ang project ‘pag pinagsama sila ni Mylene, ang maayos na sagot niya, “wag na lang”. Para nga naman wala ng isyu, wala ng intriga.

Samantala, ibinahagi naman ni John ang malungkot na balita na pumanaw na si Boyong Bastion ng Palibhasa Lalake.

“Its a sad day for me today. Just found out earlier that our assistant director in ‘Palibhasa Lalake’ passed. He was my Kuya Boyong. Naiiyak nga ako nu’ng naalala ko na sinusundo ako ng taong ito papuntang taping para ‘di ako malate at mapagalita­n. At isa sya sa dahilan kung bakit ko sineryoso ang pag-aartista, at higit sa lahat name-miss ko ang pag-alaska nitong taong ‘to sa lahat at sobrang nakakatawa siya. We will miss you Kuya Boyong. Rest in peace. You will never be forgotten.”

 ?? John ??
John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines