Ariana at ex na si Graham Phillips, nag-dinner date
NAMATAAN ang 7 Rings singer kasama ang ex boyfriend niyang si Graham Phillips nitong Sabado, nang mag-dinner sila sa Carbone, isang Italian restaurant sa New York City.
Ayon sa Entertainment Tonight, nakasuot nang gabing iyon si Ariana ng Burberry mini skirt na tinernohan ng black top at white, knee-high heeled boots. Nakasuot naman si Graham ng shades of tan at navy blue jacket.
Hindi ito ang unang beses na nag-reunite sina Ariana at Graham (who once starred together in Broadway’s 13) nitong mga nakalipas na taon. Noong 2016, nagkagulo ang fans ng dalawa nang magkita sila para mag-dinner sa Red O restaurant sa Los Angeles. Ang dating couple ay naging magkarelasyon noong 2011 nang gumanap si Ariana bilang si Cat Valentine sa Victorious ng Nickelodeon.
Ang kanilang pinakabagong labas nitong weekend ay naganap wala pang dalawang linggo mula nang mamataan din si Ariana na kasama ang isa pa niyang exboyfriend na si Big Sean. Naging magkarelasyon ang dalawa noong October 2014 hanggang April 2015, at nakita sila kamakaialn sa isang recording studio sa Los Angeles.
Samantala, naka-move on na ang dating fiancé ni Ariana, si Pete
Davidson, 25, dahil karelasyon na nito ang aktres na si Kate
Beckinsale, 45.
“Apparently people have a crazy fascination with our age difference,” biro ni Pete sa kamakailan labas niya sa SNL. “It doesn’t really bother us, but then again I’m new to this. So if you have questions about a relationship with a big age difference, just ask Leonardo DiCaprio, Jason Statham, Michael Douglas, Richard Gere, Jeff Goldblum, Scott Disick, Dane Cook, Derek Jeter, Bruce Willis, Harrison Ford, Tommy Lee, Alec Baldwin, Sean Penn and whoever the president of France is.”
“Mel Gibson, Billy Joel, Mick Jagger, Sylvester Stallone, Eddie Murphy, Kelsey Grammer,” pagtutuloy niya. “Larry King, Larry King, Larry King, Rod Stewart and Donald Trump.”