Balita

Ika-81 labas

- R.V. VILLANUEVA

ANG pangalan ni Brix ang nakarehist­ro sa selpon ni Leo nang mag-ring ito.

“O, bakit, Brix?” bungad niya nang maisataing­a ang selpon.

“Mukhang napasarap ‘ata ang bakasyon mo d’yan, a,” ‘tila nanunuyang sabi nito. Pero sanay na siya sa ganoong kantiyaw nito.

“Hindi pa kasi natatapos ang dapat kong ayusin dito,” katwiran niya. “Ang tagal mo namang ayusin.” “Oo, e.”

“Ayoko nang tanungin kung ano ‘yan dahil alam ko naman ang ikakatwira­n mo, personal. Pero pa’no ang trabaho mo?”

“Babalik naman ako, e.”

“E, kelan nga?”

“Kapag matapos nga ‘tong problema ko.”

“Alam mo, kung hindi ka na makakabali­k sa susunod na linggo, siguradong madagdagan ang problema mo.”

Tahasan siyang nagulat. “Anong ibig mong sabihin?”

“Baka tanggalin ka na ni Foreman sa trabaho.”

Hindi kaagad siya nakapagsal­ita. Tinatantiy­a kung nagbibiro o nananakot lang ang kanyang katrabaho para bumalik agad siya.

“Sigurado ka ba?” pagtitiyak

niya.

“Kausap ko si Foreman kahapon. Pinagbigya­n ka na nga raw niya, inabuso mo naman daw. Nagagalit na siya. Alam mo naman, kulangkula­ng tayo sa tao. Hindi pa rin kasi nakakabali­k si James.”

“Baka naman puwede ma-extend pa.”

“Aba, e huwag akong kausapin mo, si Foreman.” “And’yan kaya siya?”

“Oo, pero maya-maya mo na lang tawagan, may kausap pa siya.”

“Sige, salamat na rin sa paalala. Bye.”

Nagpalakad-lakad si Leo sa loob ng bahay habang naghihinta­y ng tamang pagkakatao­n para matawagan niya ang kanilang foreman. Kilala niya ito, mabait at madaling pakiusapan. Pero kapag inabuso naman ang kabaitan, hindi ka na bibigyan ng pagkakatao­n.

Katulad na lamang ng nangyari sa isa pa niyang kasama. Na nagpaalam ng isang linggong bakasyon, tumagal nang dalawa, hanggang tatlo, sinabihan na bumalik na, hindi bumalik. At nang tumawag na babalik na, hindi na tinanggap. Nakiusap, pero hindi umubra sa kanilang foreman. Kapag trabaho raw kasi, trabaho.

Natural na ayaw ni Leo na mangyari sa kanya ang mawalan ng trabaho. Pero paano naman ang kanyang asawa? Matitiis ba niyang iwan ito sa lalo pang lumalalang sitwasyon? Ayaw rin naman niyang umalis o iwan ito na hindi panatag ang kanyang loob at isipan. Ayaw niyang nasa trabaho siya ay kung ano-anong iisipin niya na lalason sa pagtitiwal­a niya sa kanyang asawa.

Nang makakuha ng tamang tiyempo, tinawagan niya ang kanilang foreman. “Hello po, si Leo po,” bungad niya. “O, Leo, mabuti tumawag ka, tatawagan talaga kita.”

“Me nasabi kasi sa akin si Brix.” “A, oo, ano, makakabali­k ka sa sunod na linggo?”

“’Yon po sanang ipakiusap ko, baka puwedeng humirit pa.”

“Ano,” biglang tumaas ang boses ng kanyang foreman. “Gusto mo pa bang magtrabaho?”

“Oo naman po, kelangan ko ng trabaho.”

“Kung gano’n, kelangan mo nang bumalik sa sunod na linggo.”

“Me problema lang po kasi.” “Pero ‘pag trabaho, trabaho,” mariing sabi nito. “Ang haba na nga nang ibinigay kong palugit sa ‘yo, tapos hihirit ka pa. Kapag hindi ka bumalik, kukuha na ako ng ibang tao. Ayokong ako naman ang kagagalita­n ni Engineer dahil sa nade-delay na ang trabaho natin.”

Napakamot na lamang siya sa hindi naman makating batok, saka malalim na bumuntong-hininga.

“Sige po, pipilitin kong makabalik na,” sagot niya.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines