Balita

TUTULOG- TULOG SA DUTY

Cavite police officers, sinibak

- JONAS REYES

TAGUMPAY Pinakawala­n ng mga opisyal ng Subic Bay Metropolit­an Authority Ecology ang mga bagong pisa na Olive Ridley, isang uri ng pawikan, sa dagat sa tapat ng Subic Bay Freeport Zone. Nasa 11 pawikan ang namatay matapos na mapisa habang 38 ang tagumpay na nakarating ng dagat, isang paalala sa patuloy na bumababang bilang ng mga pawikan na nabubuhay sa karagatan.

CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Sinibak sa puwesto ang mga pulis na nahuling natutulog sa kanilang duty sa isinagawan­g surprise inspection sa Bacao, General Trias City Police Community Precinct at Rosario Police Station, kamakailan.

Ayon kay Cavite Police Provincial Office director, Col. William Segun, bukod sa pagkakasib­ak ay kakasuhan din ang mga ito ng neglect of duty.

Ipatatawag din nito ang mga opisyal ng mga ito kaugnay ng insidente.

"They (sleeping officers) were relieved from their posts and placed at the Provincial Holding Administra­tion Unit (PHAU) then pre-charged investigat­ion would be conducted before they are penalized," sabi nito.

Hindi na muna ibinigay ni Segun ang pagkakakil­anlan ng mga sangkot na pulis habang hindi pa natatapos ang imbestigas­yon laban sa kanila.

Tumanggi rin itong ibunyag ang kabuuang bilang ng mga tinukoy na pulis. Gayunman, binanggit sa unang report na hindi bababa ng anim ang mga ito.

Inatasan na aniya ang mga ito na magsumite sa kanya ng written explanatio­n kaugnay ng insidente.

Matatandan­g nahuli na ring natutulog sa kanilang duty ang mga pulis ng Bacoor-Panapaan-Longos Precinct sa Bacoor City at ImusDaangh­ari Road outpost sa Imus City, noong Hunyo ng nakaraang taon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines