Balita

Tulong Trabaho at Child Safety Act, batas na

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sa paglagda ni Pangulong Duterte, ganap nang batas ang Tulong Trabaho Act at Child Safety Act, nagbibigay ng libreng technical-vocational education at nagtatakda sa mga may-ari ng sasakyan na gamitin ang mga car seats sa pagsakay ng mga bata.

Bagamat wala pang inilalabas na opisyal na kopya ang Malacañang hinggil sa mga bagong batas, sinasabing nilagdaan na ng Pangulo ang Republic Act No. 11230 o ang Tulong Trabaho Act nitong Pebrero 22.

Isinasaad ng naturang batas ang pagbibigay ng libreng technical-vocational education sa mga kuwalipika­do, upang matugunan ang problema ng bansa sa jobskills mismatch.

Itinatatag din ng bagong batas ang Philippine Labor Force Competenci­es Competitiv­eness Program, na layuning palakasin ang kuwalipika­syon ng lakaspagga­wa ng bansa, at ang “Tulong-Trabaho Fund”, technical-vocational education at training sa mga kuwalipika­do sa mga programa na itatakda ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA).

Para lamang ang pondo sa mga walang trabaho na nasa edad 15, at hindi kabilang ang mga nag-aaral, nagsasanay at mga manggagawa na nais magpaunlad ng kanilang kakayahan.

CHILD SAFETY Nilagdaan din ni Duterte ang RA 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act. Batas na nagtatakda sa mga may-ari ng sasakyan na gamitin ang mga car seats sa pagsasakay ng mga bata.

Layunin ng batas na masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga sanggol at bata, at maniwasan ng pagkamatay at pagkasugat dulot ng aksidente sa sasakyan. Isinasaad din dito ang pangangail­angan para sa “adequately, consistent­ly and objectivel­y require, regulate, promote and inform the public on the use of child restraint systems.”

Sa bagong batas, hindi maaaring isakay ang bata sa front passenger seat ng sasakyan na tumatakbo.

“It shall be unlawful for the driver of a covered vehicle not to properly secure at all times a child, in a child restraint system while the engine is running,” nakasaad sa batas.

Posibleng magmulta ng P1,000 para sa first offense, P2,000 ,second offense at P5,000 kasama ng suspension ng lisensya ng drayber sa loob ng isang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines