Balita

Direk Cathy plus Kath, wala na akong hihilingin – Alden

- Ni REGGEE BONOAN

PAREHONG OFW sa Hongkong ang karakter nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa unang pelikulang pagsasamah­an nila under Star Cinema na ididirek ni Cathy Garcia Molina

at sisimulan nang i-shoot isa sa mga araw na ito.

Sa ginanap na storycon ng KathDen movie nitong Martes sa opisina ng Star Cinema, kitangkita kung gaano kasaya ang mga taong bumuo ng project na ayon na rin kay Star Music executive, Roxy Liquigan ay “5 months preparatio­n” para maayos ang tambalan nina Kathryn at Alden sa tulong ni Phillip Rojas ng Asian Artist Agency na pinamumunu­an ni Boy Abunda.

Bagamat matagal nang nasulat ang KathDen movie ay may mga haka-hakang hindi raw ito tuloy dahil imposiblen­g payagan si Alden ng GMA Artist Center gayung exclusive siya sa Siyete at higit sa lahat, back to movie producing na ulit ang GMA Films.

Sa ginanap na storycon ay masayang sinalubong nina Direk Cathy, Roxy, Mico del Rosario

at Direk Olive ‘Inang’ Lamasan

si Alden. Naka-post din ang litrato nila sa IG account ng Star Cinema.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa kaunaunaha­ng pelikulang pagsasamah­an nina Alden at Kath.

Komento ni @sanityluna, “’Di naman ibig sabihin may iba silang mga kasama sa project loveteam na agad. Sa pagkakaala­m ko, it’s not a romantic romance story. It’s a heavy drama regarding sa mga OFW.”

Say naman ni @rosarii450, “Wow nakaka excite ito! Siguradomg boom ito!”

Mula kay @fordchan26­26, “Well sana maging behave sila. Alam naman nila ang Kathniels handang lumaban para kay Kath & Dj!”

“I love KathNiel so much and I trust their love for each other and I will always support them kahit magkaroon sila ng iba’t ibang projects,” sambit naman ni @shy.lai.

Ayon kay @ms_corypotts, “Swerte ni Alden. Si Kathryn ba naman kasama mo sa movie e. Lilipat na ba si Alden? ‘Di ba exclusive ‘yan ng GMA?”

“Wow gonna be exciting can’t wait for this movie, plus OMG Direk Cathy Molina movie, panatag ang mga Kathniel fans dapat don’t worry guys. Let’s enjoy this movie soon,” hirit ni @ crisness15­1912.

“Maganda ito. Binibigyan nila ng chance ang bawat artista nila na makatrabah­o nila ang ibang artist. Sana magtuluy-tuloy na ito. They both deserve it,” komento ni @viktoriame­layne.

Sey naman ni @reenamay07­7, “Kaya pala may issue ng break up ang KathNiel. They’re preparing the fans kasi may bagong movie si Kath without DJ. Oh well, this is for the growth of Kathryn so support all the way! Kahit mashakit!”

Kung may KathNiel supporters na nasasaktan pero patuloy na sumusuport­a sa KathDen, ay may Aldub loyalist din na ganito rin at nahihinuha nilang ‘tila wala ng pag-asang magsama ulit sa pelikula sina Alden at Maine Mendoza dahil may iba nang nagpapasay­a sa puso ni Maine, bagay na hindi matanggap ng iba.

 ??  ?? Kathryn at Alden
Kathryn at Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines