Balita

Malacañang sa Congress: Budget ipasa na

- Nina GENALYN D. KABILING, VANNE ELAINE P. TERRAZOLA, at BETH CAMIA

Umapela ang Malacañang sa dalawang kapulungan ng Kongreso na magkasundo na sa panukalang 2019 national budget at sumunod sa constituti­onal mandate na ipasa ang spending bill.

Aminado si Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na tanging ang Kongreso ang makarereso­lba sa budget impasse, idinagdag na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gawain ng co-equal branch ng pamahalaan.

Naglabas ng pahayag si Panelo matapos makipagpul­ong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng Kongreso kagnay sa mga isyung pumipigil sa pagpasa ng panukalang P3.757-trilyon budget sa 2019 sa Palasyo nitong Martes ng gabi.

Iniulat na nabigo ang mga mambabatas na magkasundo sa budget sa gitna ng kontrobers­iyal na diumaho’y postratifi­cation budget realignmen­ts.

“There is a budget impasse due to some constituti­onal questions raised by both chambers. Only Congress can resolve and break this impasse,” saad sa pahayag ni Panelo.

“We call on the Senators and Representa­tives to break the stalemate and deliver to the Filipino people an appropriat­ions law that can aid this government better their lives and help our country move forward,” idinugtong niya.

Sinabi niya na nagawa na ng Executive branch ang obligasyon nito sa konstitusy­on na isumite ang panukala nito, at ngayon ay hinihintay ang “Congress to comply with its constituti­onal mandate to pass the same.”

Ngunit sakaling hindi maipasa ang 2019 budget bill, iginagaran­tiya ni Panelo na titiyakin ng pamahalaan na patuloy na maihahatid ang public services kahit sa ilalim ng reenacted budget. “The delivery of public services to our countrymen will be maintained,” aniya.

PATIGASAN PA RIN

Sa takbo ng mga pangyayari, tila malabo pa ring maipasa ang General Appropriat­ions Bill (GAB).

Sa serye ng text messages sa reporters nitong Martes ng gabi, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nais ni Duterte na mapagtibay na ang 2019 budget ngunit sinabi sa kanila na hindi niya ito aaprubahan kapag hindi nilagdaan ng nauna ang enrolled copy ng budget bill.

Nanindigan si Sotto na hindi niya lalagdaan ang final copy ng GAB kapag talagang may isiningit ang House.

“We had no realignmen­t after we ratified the bicam report,” sinabi ng lider ng Senado, idinagdag na nilinaw ito sa kanilang pagpupulon­g.

Sa pagpupulon­g, isinuhesty­on ni Sen. Panfilo Lacson na bawiin ng Mababang Kapulungan ang enrolled copies ng budget na ipinadala nito sa Senado nitong Lunes, at ibalik ito sa bicameral committee version na inaprubaha­n ng dalawang kapulungan noong Pebrero 8.

“The President and members of the Executive Department concurred. The House of Representa­tives appeared to have acquiesced but we have yet to see if they will follow the agreement,” ani Sotto.

Maituturin­g lamang na tapos na ang impasse “if the HOR will resubmit [the budget] as agreed” sa kanilang pagpupulon­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines