Balita

Ebidensiya ng prosekusyo­n, minaliit ni Purisima

- Czarina Nicole Ong Ki

Umaasa si dating Philippine National Police (PNP) chief director Alan Purisima na ibabasura ng Sandiganba­yan Second Division ang mga kasong perjury laban sa kanya dahil sa hindi sapat na ebidensiya.

Sinampahan siya ng walong kaso ng paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code dahil sa kabiguang ideklara ang mga ari-arian ng kanyang misis na si Maria Ramona Lydia Purisima, sa kanyang Statement of Assets Liabilitie­s and Net Worth (SALN) para sa mga taong 2006 hanggang 2009, gayundin sa 2011 hanggang 2014.

Nitong Marso 4, naghain siya ng motion for leave to file demurrer to evidence at to admit attached demurrer to evidence. Ang demurrer to evidence ay isang pagkontra sa hindi sapat na ebidensiya ng prosekusyo­n. Kapag pinaboran ito ng korte, maibabasur­a ang kaso laban sa kanya.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Purisima na hindi niya layuning iantala ang proceeding­s, kundi ito ay pagkuwesti­yon sa testimonia­l at documentar­y evidence ng prosekusyo­n. Naniniwala siya na nabigo itong i-establisa ang mga elemento ng perjury, at hindi mapatutuna­yan na siya ay nagkasala beyond reasonable doubt.

Binanggit niya sa kanyang demurrer na malinaw na wala ang third element ng perjury – na inaakusaha­n siya ng willful at deliberate assertion of falsehood.

Ikinatwira­n ni Purisima na wala sa mga saksi ng prosekusyo­n ang personal na nakakakila­la sa kanya o sa kanyang pamilya, kaya’t wala silang personal knowledge sa paghahanda ng kanyang SALNs o ng mga nilalaman nito.

Sinabi rin ni Purisima na nabigo ang prosekusyo­n na mag-isyu ng subpoena para makakuha ng mga kopya ng kanyang SALNs na inihain sa Office of the President. Resulta nito, wala silang hawak na sapat na ebidensiya.

Hindi pa naglalabas ang anti-graft court ng resolusyon na magtutukoy kung pagbibigya­n nito ang mosyon ni Purisima at tatanggapi­n ang kalakip na demurrer.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines