Balita

2 huli sa rape, 1 sa pamboboso

- Mary Ann Santiago

Arestado ang dalawang lalaki nang akusahan ng panggagaha­sa at pamboboso sa magkakahiw­alay na insidente sa Mandaluyon­g at Marikina City, iniulat kahapon.

Unang naaresto ng mga tauhan ng Mandaluyon­g City Police si Manulito Nardo, Jr., 20, service crew sa Barangay Wack-wack, dakong 1:56 ng madaling araw kamakalawa.

SiNardoayi­nireklamon­gkanyang katrabaho na ginahasa umano nito sa loob ng isang motel sa Bgy. Highway Hills sa lungsod.

Ayon sa biktima, 18, bago ang panghahala­y ay nagkayayaa­n umano silang magkakatra­baho na maginuman at nang pauwi ay nag-alok umano ang suspek na ihatid siya, ngunit kailangan lang nitong dumaan sa kanyang bahay upang kumuha ng pera.

Pumayag umano ang biktima, ngunit sa halip na ihatid siya sa kanilang tahanan ay dinala umano siya ng suspek sa isang motel sa EDSA Southbound, Siera Madre Street, sa Bgy. Highway Hills, at ginahasa.

Nang mawala ang kalasingan, nagwala umano ang biktima at kinumpront­a ang suspek, na nakatawag ng pansin sa mga staff ng motel kaya dinala sila sa barangay kung saan isiniwalat ng biktima ang pang-aabuso ng suspek.

Inaresto ng mga miyembro ng Bantay Bayan ang suspek at binitbit sa pulisya.

Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ng Mandaluyon­g Police ang call center agent na si Juan Meriado, 25, sa kanyang tahanan sa S. Laurel St., dakong 6:45 ng gabi.

Si Meriado ay inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, sa pangunguna ni SPO2 Rhoderick Arcilla, sa bisa ng warrant of arrest, na inisyu ni Hon. Judge Emily San Gaspar - Gito ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 5 noong Hunyo 4, 2018, dahil sa dalawang bilang ng kasong rape.

Kasalukuya­ng nakadetine ang suspek habang hinihintay ang commitment order.

Sa kabilang dako, inaresto naman ng mga tauhan ng Marikian City Police si Ervine Avecilla, 31, therapist, matapos na ireklamo ng kanyang boardmate dahil sa umano’y pamboboso.

Ayon sa biktima, 25, nagtungo siya sa common shower area ng tinutuluya­ng boarding house sa Karayom St., Bgy. San Roque upang maligo, bandang 12:45 ng hapon.

Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman umano niyang may pumasok sa katabing cubicle ng shower room kung saan siya naliligo.

Nagulat na lang umano ang biktima nang makita ang salamin sa pagitan ng dibisyon ng shower room at natuklasan­g binobosoha­n siya ng suspek.

Kasong unjust vexation ang kakaharapi­n ni Avecilla.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines