Balita

Mga hakbang kontra droga

- Erik Espina

ITO lagi ang isa sa panlipunan­g palaisipan ng mga awtoridad, magulang, paaralan, at ng simbahan na mayroong samu’t saring pananampal­ataya. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Pangulong Rodrigo Duterte ang unang nagbulgar ng tumitindin­g suliranin hinggil sa

droga. Sa pagpapaliw­anag ni Digong, ang Pilipinas ay papunta na sa bangin ng pagiging “narco-state”, o estadong lulong sa droga. Pati ang ating demokrasya ay namemeligr­o na rin dahil sa humahabang listahan ng mga pulitikong tumatangga­p ng suhol mula sa mga sindikato ng ipinagbaba­wal na gamot. Minsan pa ay sila na mismo ang lumulusong sa negosyo ng pagtutulak, o siyang namumuhuan na maituturin­g na drug-lord.

Sana ay nasipat agad ito sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo, nang hindi na lumaganap. Ewan ko ba, ang pamahalaan­g PNoy ay wala ring nakitang pagbabadya sa umuusbong na lagim ng shabu at cocaine. Sa anim na taon, ‘tila naging bulag, pipi, at bingi ang “dilawang” mata, bibig, at tenga. Bakit

kaya?

At ito na nga, may “drug war” na sa bawat pusod ng ating lipunan. Umaga pa lamang ay binabati na ang lipunan ng duguang mga katawan ng tulak ng droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang sa akin lang naman, sana ay madagdagan pa ang mga paraang susugpo sa naturang salot sa pamilyang Piipino. Isang halimbawa ng hakbang ay ang pagsasaila­lim ng Palasyo sa bansa sa “national security threat”. Sa ganitong antas ay maaari nating gamitin ang lahat ng sandata ng estado kontra droga. Isa na rito ang pagsasabat­as o pagpapabum­balik ng death penalty, basta ang krimen ay kinasangku­tan ng malakihang halaga ng shabu o cocaine.

Maliban nito, kinakailan­gan ding maparusaha­n ang mga dayuhang

nagluluto, nagdadala o nagbebenta ng bultu-bultong shabu, at kung mamalasin ay mamataang nakahandus­ay sa lansangan. Ano kayo, sinuswerte? Babala: Huwag mangahas na saktan at sirain ang bayan ng mga Pilipino!

Isa pang maaaring paraan, laging magsagawa ng raid sa kubol ng mga nakapiit at tiktik na drug lords sa piling mga kulungan. Tepok din dapat. Pati mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BoC) ay dapat ding bigyan ng babala. Tulad sa lamok, sampolan!

Maaari ring magpadala ng Pilipinong delegado sa China upang ipaabot ang panawagang higpitan ang seguridad nila sa pagpapalus­ot ng shabu sa ‘Pinas. At palawigin ang anti-drugs sa tulong ng Amerika.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines