Balita

Direk Cathy plus Kathryn, wala na akong hihilingin - Alden

- Ni ADOR V. SALUTA

MALAMANG na tatatak sa history ng local cinema ang pagsasama ng dalawang sikat na stars ng magkabilan­g network, sina Alden Richards at Kathryn Bernard, sa isang pelikulang handog ng Star Cinema.

Si Kathryn ay ka-love team ni Daniel Padilla (KathNiel), samantalan­g si Alden naman ay katuwang ni Maine Mendoza (AlDub). Sa kauna-unahang pagkakatao­n ay magsasama ang dalawang bigating stars sa isang proyekto na ididirihe ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Sa ginanap na storycon sa Trellis, inanunsiyo ng Star Cinema na ang nasabing project ay ipalalabas ngayong 2019, isang romance drama about young Overseas Filipino Workers (OFWs). The movie will be shot mostly in Hong Kong.

Kung si Kathryn man ay nasorpresa sa pakikipagt­ambal kay Alden, naitanong din sa Kapuso actor kung bakit siya pumayag na gawin ang pelikula.

“Siyempre, first time kong makakatrab­aho si Kath. We’ve been seeing each other for a long time," masaya niyang sagot. "One time, we shared a common endorsemen­t. Nagkita na kami sa mga past events. "This is the first time that I'll be working with her and with Star Cinema. It's a great honor and experience kasi I'm really in that stage of exploring the craft and my capability as an actor," pahayag ng Kapuso actor sa panayam ng ABS-CBN News. When Kathryn was asked how she felt about working with Alden,, sey ng dalaga: "Kung tatanungin niyo ako kung kinakabaha­n ako, super!" Buwelta rin ni Alden, "Ala) rin, super!" As for working with Direk Cathy, Alden admitted that he is a fan of the blockbuste­r director. "Ang dami kong pinanood na film na gawa ni Direk Cathy. Isa na po du'n ang One More Chance. To be directed by someone who made that film, sobrang fan po kasi ko talaga ako ni John Lloyd [Cruz]. "Nuing nalaman ko na Star Cinema at si Kathryn ang makakasama lko, parang total package na po. Wala na po akong hihingilin, sobrang saya ko po na nabigy an ako ng chance na ganito."

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines