Balita

Libreng concert, handog ng PH-SoKor diplomatic ties celeb

- Ni JONATHAN HICAP

S INIMULAN ang selebrasyo­n ng ika-70 anibersary­o ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at ng South Korea ngayong taon sa pamamagita­n ng paghahando­g ng libreng concert sa Manila, na pinangunah­an ng tatlong K-pop group kasama ang isang Pinoy rock band.

Dinaluhan ng NCT Dream, NOIR at APRIL, at ng Silent Sanctuary ang diplomatic community, mga opisyal ng gobyerno, bisita at fans sa selebrasyo­n ng naturang event sa 2019 K-pop Friendship Concert sa Manila na ginanap noong March 7 sa Mall of Asia Arena.

Kabilang sa mga bisita sina Korean Ambassador to the Philippine­s Han Dongman, First Vice Minister Kim Yong-sam of Korea’s Ministry of Culture, Sports and Tourism (MCST), Ambassador-designate Vasin Ruangprate­epsaeng ng Thailand,

Ambassador Giorgio Guglielmin­o ng Italy, Ambassador Mohammad Tanhaei ng Iran, newly appointed Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, at National Commision for Culture and the Arts (NCCA) Commission­er Victorino Manalo.

“Ang taon na ito ay ika-70 taong anibersary­o ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Korea. Ang Korea ang numero unong source ng turista ng Pilipinas. Ang Korea din ang ikaapat na pinakamala­king trading partner ng Pilipinas. Ang Korean Wave tulad ng K-pop, Korean telenovela, K-toon at K-cosmetics ay sikat sa Pilipinas. Ang isa sa aking trabaho ay pagpapalag­anap ng Korean Wave sa bansa. Mahal na mahal ko kayo,” pahayag ni Ambassador Han.

Ayon kay First Vice Minister Kim, itinalaga ng MCST at NCCA ang taong 2019 bilang ang Korea- Philippine­s Year of Mutual Exchange at ang K-pop concert sa Manila ang opening event ng pagdiriwan­g, dahil magkakaroo­n din ng Korean Film Festival at Taekwondo Culture Festival ngayong taon.

Nagsimula noong March 3, 1949 ang diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa nang kilalanin ng Pilipinas ang Republic of Korea (establishe­d on Aug. 15, 1948), ang unang ASEAN member na gumawa ng naturang hakbang.

Sinundan ito ng pagpapadal­a ng Pilipinas ng 7,400 sundalo sa South Korea noong kasagsagan ng Korean War.

Ang 2019 K-pop Friendship Concert sa Manila ay inorganisa ng MCST katuwang ang NCCA, Embassy of the Republic of Korea in the Philippine­s at ng Korean Cultural Center in the Philippine­s, at produced ng Pulp Live World.

 ??  ??
 ??  ?? Silent Sanctuary
Silent Sanctuary
 ??  ?? NCT Dream
NCT Dream
 ??  ?? Ryan at Kring
Ryan at Kring

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines