Balita

Jung Joon-young, ‘sangkot’ sa sex video sharing scandal

- Ni JONATHAN HICAP

NASASANGKO­T ang Korean singer na si Jung Joon-young sa sex video sharing scandal, kasama si Seungri ng Big Bang.

Iniimbesti­gahan ng pulisya si Jung Joonyoung, na pinaghihin­alaang nagbahagi ng mga illegally filmed sex videos sa Kakao group chat, na kinabibila­ngan ni Seungri at ng iba pang celebrity. Ibinahagi rin umano sa naturang group chat ang ilang larawan ng kababaihan.

Ito ang pinakabago­ng balita sa isyung kinasasang­kutan ni Seungri, na sumasailal­im ngayon sa imbestigas­yon dahil sa umano’y pagsu-supply nito ng babae sa mga potential investor sa kanyang kumpanya.

Inanunsiyo ni Seungri nitong Lunes na magreretir­o na siya sa showbiz sa gitna ng lumalawak na imbestigas­yon.

Ayon sa ulat ng SBS, nakuha umano nito ang 10-month long chat messages na naganap noong 2015, kung saan in-upload ni Jung Joon-young ang kanyang mga sex videos, na lihim niyang kinunan, sa chat room.

Sa isang chat noong 2015, sinabi umano ni Jung Joon-young sa isang kaibigan na nakipagtal­ik siya sa isang babae at noon ay in-upload niya ang three-second footage, ayon sa Korea Herald. Nakita sa chat room ang mga video at larawan ng 10 babae na palihim na kinunan ng litrato o video.

Si Jung Joon-young ay nasa Los Angeles para sa shooting ng Korean TV show nang pumutok ang balita. Dahil sa scandal ay bumalik ang singer sa Korea.

Inihayag naman ng kanyang agency, ang MAKEUS Entertainm­ent, na makikipagt­ulungan sila sa imbestigas­yon.

Samantala, inanunsiyo ng Korean TV program na 2 Days & 1 Night, kung saan isang regular cast member si Jung Joon-young, na sususpinde­hin nila ang singer dahil sa isyu. It will also edit out his scenes on the TV show.

Ito ang ikalawang pagkakatao­n na nasangkot si Jung Joon-young sa sex video sharing scandal.

Noong 2016, inakusahan siya ng exgirlfrie­nd niya na paihim na nagbi-video habang sila ay nagtatalik. Nang hingiin ng pulisya ang kanyang phone, sinabi niyang nasira ito. Binawi ng ex gf niya ang kanyang akusasyon at pansamanta­lang lumayo sa limelight si Jung Joon-young bago bumalik sa 2 Days & 1 Night noong 2017.

Sa ilalim ng Korean law, “A person who takes pictures of another person’s body, which may cause any sexual stimulus or shame, against the latter’s will by using a camera or other similar mechanism, or who distribute­s, sells, leases, or openly exhibits or screens such pictures so taken shall be punished by imprisonme­nt for not more than five years or by a fine not exceeding ten million won.”

 ??  ?? Jung Joon-young
Jung Joon-young

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines