Balita

Ika-82 labas

- R.V. VILLANUEVA

PAGKATAPOS niyang makausap ang kanyang foreman, saka naman niya tinawagan si Brix.

“O, Leo,” bungad nito. “Natawagan mo na ba si Foreman?”

“Katatapos lang naming magusap.”

“Anong sabi?”

“’Yon nga, talagang totohanan niyang tanggalin ako sa trabaho oras na hindi ako bumalik sa susunod na linggo.” “Sabi ko naman sa ‘yo. Pa’no ‘yan?” “’Yon nga ang problema ko.”

“Sa susunod na linggo pa naman, baka maayos mo pa ‘yang problema mo d’yan, kung ano man ‘yan.” “Ewan ko, hindi ko masisiguro.” “Hindi mo talaga maiwan?” “Hindi. Baka lalo lang lumala ang problema oras na iwan kong magulo pa ang sitwasyon.”

“Ano ba talaga ang problema mo?” Sasabihin ba niya kay Brix ang totoong dahilan? Matagal na rin naman silang magkakilal­a at magkasama sa trabaho, at mapagkakat­iwalaan naman niya ito. Marahil, hindi naman siguro nito ipagkakala­t sa mga kasama nila ang tungkol sa kanyang asawa. Baka naman makatulong si Brix sa kanyang problema. At puwede naman siguro niyang pakiusapan ito na ilihim ang lahat ng sasabihin niya rito.

“Hello, Leo, and’yan ka pa ba?” “Andito pa ako.” “Mukhang malalim ‘yang problema mo at ayaw mong sabihin sa akin. Sabihin mo naman sa akin, malay mo, ako pala ang makakatulo­ng sa ‘yo.”

“Me napanood ka bang palabas sa TV tungkol sa babaeng nanganak ng ahas?” “Nanganak ng ahas?”

“Oo, dahil sa naengkanto.” Narinig niya ang tawa sa kabilang linya. “Meron bang gano’n, lalo na sa panahon ngayon?”

“Oo, Brix, nangyayari talaga ‘yon.” “Bakit, napanood mo ba ang palabas na ‘yon?”

Bumuntungh­inga siya. “Sasabihin ko na, Brix, pero sana ilihim mo muna sa ating mga kasama ang sasabihin ko.”

Wala siyang narinig sa kabilang linya, marahil naghihinta­y ng susunod niyang sasabihin.

“Asawa ko ang sinasabi kong nanganak ng ahas. Nangyari ‘yon dahil napatay niya ang isang ahas nang malaglag sa kanya. Alaga pala ‘yon ng isang engkanto, kaya siya ginantihan.”

Narinig niyang lalong lumakas ang tawa ni Brix.

“Totoo, Brix, kung napanood mo lang sana ang buong palabas sa TV.”

“Hindi ko alam na napalabas ‘yon,” natatawa pa ring sabi ni Brix. “Pero interestin­g panoorin ‘yon, ha.”

“Hindi ako nagbibiro, Brix. Naalala mo ba nang minsang nanaginip ako ng ahas?”

“A, oo.”

“At kung bakit biglang akong umuwi, ‘yon ang dahilan.”

“O, sige, sige na, kung totoo mang nangyayari ‘yon, o, e bakit pinoproble­ma mo? Kung nanganak na rin naman pala, at wala namang naging problema sa asawa mo.”

“Ang problema, ang mga tao sa amin.” “Bakit?” “Hindi sila naniniwala.” “Pare naman, sino naman kasi ang maniniwala sa kuwento mo.”

“Pero totoo, pare, saksi ang albularyo at ang biyenan ko.”

“O, sige, sige na, panalo ka na. E, ano naman ngayon kung hindi naniniwala ang mga tao sa inyo, ano naman ang kinalaman no’n sa hindi mo pagbalik sa trabaho mo?”

“Tsinitsism­is kasi nilang hindi raw totoong nanganak ng ahas ang misis ko. Ang totoo raw ay me umaahas sa kanya.”

“Naku, yari ka,” nanunudyon­g turan ni Brix. “Baka naman ‘yon nga talaga ang totoo.”

“Pare naman, hindi ako mapapaniwa­lain sa mga tsismis.”

“Pero naalala mo ba ang sinabi ko sa ‘yo dati, no’ng ikinuwento mong nanaginip ka ng ahas,” seryosong sabi ni Birx. “’Di ba sabi ko, baka pahiwatig ‘yon na may umaahas sa ‘yong asawa.”

Natigilan si Leo.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines