Balita

Chiu, PH ‘future’ sa hard court

- Ni BRIAN YALUNG

SA taas na 6-foot-9, walang duda na may paglalagya­n si Shaun Geoffrey Chiu sa Philippine basketball, hindi man sa internatio­nal arena.

Miyembro ng Batang Gilas at ng kinatataku­tang Ateneo Blue Eaglets, ang mga katangian para sa isang premyadong slotman ay napapansin sa batang career ni Chiu.

May isang season na lamang si Chiu para makalaro sa Blue Eaglets, ngunit sa kasalukuya­n wala siyang ibang hangad kundi ang makapagtap­os at harapin ang edukasyon sa kolehiyo.

Ngunit, inamin niya na kaakibat nito ang pananatili sa hard court. Sa ngayon, wala pang katiyakan kung saan papalarin ang batang Eaglet.

“Meron din po. Pero, for now, po I want to focus on the upcoming leagues and graduate before thinking about my next step. So let’s see,” pahayag ni Chiu sa panayam ng Manila Bulletin.

Kinatataku­tan sa school league ang Ateneo sa presensiya ni Chiu, gayundin ng 7-foot-2 na si Kai Sotto. Taliwas kay Sotto na sentro ng mga usain, mas nais ni Chiu ang simpleng career at hayaang ang kakayahan niya ang magdala sa kanya sa pedestal.

“We usually play together. Obviously, po naman kasi na siya yung main namin, yung advantage. Pero dahil din po sa magandang court vision niya, he passes the ball to us which makes it easier,” pahayag ni Chiu.

Aminado siya na madami pang dapat ayusin sa kanyang laro at samdamakma­k pang bigas ang kanyang kakainin para maging angat sa mga karibal at kasangga.

“Yung katawan kasi dapat strong and may agility. Kasi, parang sobrang bagal ko pa compared to the bigs in the internatio­nal level. Yun lang po muna goal ko, to be as quick as them,” aniya.

Tinagurian­g ‘The Bulldozer’, tanging dalangin ni Chiu na manatiling malusog ang pangangata­wan at makasabay sa bilis ng mga karibal sa collegiate league.

“Feel ko po compared sa ibang bigs, ako yung less experience­d. Pero sa sa college naman po, I feel I can gain more experience to further improve my play,” pahayag ni Chiu.

Tulad ng kanyang mga kasabayan, idolo ni Chiu si June Mar Fajardo sa PBA at Giannis Antetokoun­mpo sa NBA.

“Sa PBA si June Mar Fajardo kasi siya yung dominant and big din po siya. Madami din po kasi siya nagagawa sa loob.”

“Sa NBA naman po, madami eh. Pero siguro po si Giannis (Antetokoun­mpo). Kasi po big guy siya and he is quick compared to the other big guys. Tapso allaround pa po siya, he can score, pass and do almost anything (on the court),” aniya.

Mananatili sa Blue Eaglets si Chiu at naghihinta­y ng patawag para sa Batang Gilas na nakatakdan­g sumabak sa 2019 FIBA Under-19 Basketball World Cup Sa Hunyo 29-hanggang Hulyo 7 sa Heraklion, Greece.

 ?? SBP PHOTO ?? TWIN TOWER! Nasa kamay nina Chiu (kaliwa) at Sotto ang hinaharap ng Philippine basketball.
SBP PHOTO TWIN TOWER! Nasa kamay nina Chiu (kaliwa) at Sotto ang hinaharap ng Philippine basketball.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines