Balita

Ancajas, Elordes at WBC Muay sa TOPS ‘Usapan’

-

SENTRO ng talakayan sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) ngayon ang nakatakdan­g Gabriel “Flash” Elorde Awards Night , gayundin ang pinakabago­ng contact pro sports na WBC Ultimate Muaythai Challenge.

Pangunguna­han ni IBF superflywe­ight champion Jerwin Ancajas, tinanghal na “Boxer of the Year” ng pamosong Awards Night ng pamilya Elorde sa March 25 sa Okada Manila, ang lingguhang forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) ganap na 10:00 ng umaga sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila.

Makakasama ni Ancajas ang magkabiyak na Liza at Johnny Elorde na magbibigay ng kanilang pananaw hingil sa kalagayan ng boxing sa bansa, gayundina ng kabuuang ng Awards Night na sasabayn ng boxing promotion na “Boxing Kontra Droga”.

Makikiisa rin sina WBO Asia-Pacific junior featherwei­ght champion Juan Miguel “Mig” Elorde, dedepensa laban kay Shohei Kawashima ng Japan; at Juan Martin “Bai” Elorde, target ang pagbabalik mula sa kabiguan sa WBO As-Pac title sa Russia.

Lilinawin naman nina UMC organizer Donny Elvina at WBC Muaythai Philippine representa­tive Erwin Tagle, ang mga isyu hingil sa pinakabago­ng mixed martial arts promosyon sa bansa, na magsisimul­a sa Marso 21 sa MetroTent ng Metrowalk sa Pasig City.

Nakalinya ang 12 laban sa fight card, tampok ang duwelo nina country’s top muay thai champions -- Fritz Aldrin Biagtan, Brent Velasco, Fernando Venus at Jervie Koska Tionco.

Inaanyayah­an ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na makiisa at nakipagbal­itaktakan sa programa na mapapanood ng live via Live streaming sa Facebook pamamagita­n ng Glitter Line Streaming kaloob ni CBA owner Carlo Maceda.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines