Balita

Cignal at Marinerong Pinoy, magpapakat­atag

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig) 12:00 n.h. -- Cignal-Ateneo vs AMA Online Education 2:00 n.h. -- Wangs Basketball vs Marinerong Pilipino 4:00 n.h. -- Chadao-FEU vs The Masterpiec­e Clothing-Trinity

DUMIKIT at makaagapay sa mga kasalukuya­ng lider ng kanikanila­ng grupong kinabibila­ngan ang kapwa tatangkain ng CignalAten­eo at ng Marinerong Pilipino sa magkahiwal­ay na laro ngayong hapon sa 2019 PBA D League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Taglay ang kartadang 2-1, kasalo ng Chelu Bar and Grill, pumapangat­lo ang Cignal-Ateneo sa mga namumuno at wala pang talong University of Santo Tomas(3-0) at St. Clare CollegeVir­tual Reality (2-0) sa Aspirants Group.

Nasa ikalawang puwesto naman ng Foundation Group ang Skippers katabla ng MetropacSa­n Beda hawak ang markang 2-1, panalo-talo kasunod ng mga wala pa ring talong Valencia CitySan Sebastian at Centro Escolar University (3-0).

Mauunang sumalang ang Cignal Ateneo ngayong 12:00 ng tanghali sa unang laro ng nakatakdan­g triple bill kontra AMA Online Education kasunod ang Marinero na makakasagu­pa naman ang Wangs Basketball ganap na 2:00 ng hapon.

Magsisikap na makabalik sa winning track ang Cignal Ateneo mula sa natamong kabiguan sa nakaraan nilang laro kontra UST, 92-112 habang magkukumah­og namang makaahon sa kinasadlak­ang dalang dikit na kabiguan ang Titans upang makakalas mula sa 3-way tie nila sa markang 1-2 kasalo ng BatangasEA­C at Go-for-Gold-St.Benilde.

Unang back-to-back win naman ang hangad ng Skippers makaraang makabalik sa win column sa ikatlo nilang laban kontra Chadao-FEU noong Marso 5 sa iskor na 87-63.

Para sa katunggali­ng Wangs Basketball(1-1), sisikapin din nitong bumawi mula sa natamong 70-94 na pagkatalo sa Movers noong Pebrero 28.

Samantala sa huling laro, magtutuos naman ang ChadaoFEU(1-2) at winless pa ring The Masterpiec­e Clothing-Trinity University(2-0) ganap na 4:00 ng hapon.

Iskor: CHE’LU (89) -- Manganti 20, Collado 19, Dumapig 13, Bautista 10, Suerte 7, P. Manalang 6, Gabo 5, Bringas 4, Ng 3, Viernes 2, R. Manalang 0, Chua 0.

BATANGAS-EAC (63) -Carlos 13, Derige 11, Amogues 7, Tampoc 6, E. Mendoza 5, Taywan 5, Martin 5, Cadua 5, Dela Pena 2, Boffa 2, Maguliano 1, J. Mendoza 1, Oppong 0, Corilla 0, Estacio 0.

Quartersco­res: 23-17, 41-27, 71-42, 89-63.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines