Balita

Olympic gold asam ng skateboard­ing

- Annie Abad

SA hangaring madiskubre ang mga bagong talento sa mga lalawigan, ipinahayag ng Go for Gold ang pakikipag-sanib puwersa sa Skateboard­ing and Roller Sports Associatio­n of the Philippine­s (SRSAP) para sa Regional Championsh­ips.

Sa isinagawan­g media presentati­on kahapon, sina ni SRSAP president Monty Mendigoria na magsisimul­a ang torneo sa gaganaping Luzon leg sa Marso 23-24 sa Iba, Zambales.

Kasunod ng Luzon leg ay Ang Visayas leg na magaganap Naman sa April 6-7 sa Cebu City na siyang hometown ni Asian Games gold medalist Margielyn Didal.

“We feel that Margie and the skateboard­ing team will become our bright lights in the 2020 Olympics and hopefully they can bring home our first Olympic gold medal,” pahayag ni Go for Gold Godfather Jeremy Go.

Makalipas ang dalawang leg, magaganap naman ang National SEA Games qualifier sa Sta. Rosa Laguna sa Agosto 24-25 para makuha ang komposisyo­n ng team na isasabak sa 30th Southeast Asian Games.

“We will look for the best skaters in the regional,” dagdag pa ni Mendigoria.

Kabuuang 16 gintong medalya ang nakataya para sa skateboard­ing sa biennial meet kung saan magtatangk­a ang skateboard athletes na makasikwat ng karangalan sa biennial meet.

“The top three participan­ts from the regionals will get the chance to prove their worth in the national SEA Games qualifying championsh­ip,” pahayag ni Mendigoria.

Sinabi rin ni Go na katuwang ang Go-for-Gold sa hangarin ng skateboard­ing na mapagwagih­an ang unang ginto sa Olympics sa gaganaping Tokyo edisyon sa susunod na taon.

Nakatakda umanong sumabak ni Didal sa Olynmpics qualifying meet sa mga susunod na buwan.

“Lahat tayo gusto nang matapos ang matagal nang hinihintay na Olympic gold. Kung manggaling ito sa skateboard­ing, mas maganda para sa sports,” pahayag ni Go.

 ??  ?? INIABOT ni sports patron at Go For Gold Philippine­s head Jeremy Go ang skateboard sa batang skater na kabilang sa training pool ng asosasyon.
INIABOT ni sports patron at Go For Gold Philippine­s head Jeremy Go ang skateboard sa batang skater na kabilang sa training pool ng asosasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines