Balita

Senado nanindigan vs budget

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA at BERT DE GUZMAN

“See you next Congress,” ito ang babala ni Senate President Vicente Sotto III sa House of Representa­tives kasabay ng pagtanggin­g lagdaan ang minanipula­ng 2019 budget.

Reaksiyon ito ni Sotto sa matatag na paninindig­an ng Kamara at sa panibagong alegasyon laban sa Senado kaugnay sa postratifi­cation “itemizatio­ns” sa 2019 General Appropriat­ions Bill (GAB), isang araw matapos ang kanilang pagpupulon­g kasama si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes.

“If they will not change then we will just see them next Congress,” ani Sotto sa text message sa reporters nitong Miyerkules.

Sa panayam na inilabas ng CNN Philippine­s kahapon, sinabo ng lider ng Senado na nagulat siya nang malaman na iginiit ng mga lider ng Kamara ang kanilang realignmen­ts at tumangging dinggin ang panukala ni Sen. Panfilo Lacson na bawiin ang enrolled copy ng pending bill, ibalik sa dating bersiyon na pinagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso, at hayaan si Pangulong Duterte na i-veto ang sinasabing lump sum appropriat­ions sa GAB.

Idiniin ni Sotto na hindi gagalaw ang Senado hangga’t hindi tumalima ang Kamara at paninindig­an ang “original” provisions ng bicam-approved budget bill.

Sinabi naman ni House Majority Leader Fredenil Castro (2nd District, Capiz) na dapat nang plantsahin nina Rep. Rolando Andaya, Jr. (1st District, Camarines Sur), Chairman House Committee on Appropriat­ions, at ang counterpar­t nito sa Senado na si Sen. Loren Legarda ang P3.757 trilyong national budget.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines