Balita

Chinese, kulong sa fake R148k

- Bella Gamotea

Arestado ang isang dayuhan at isang Pinoy dahil sa mga pekeng pera sa magkahiwal­ay na insidente sa Las Piñas City at Pasay City, kamakalawa.

Nakumpiska kay Qijun Wang, 55, Chinese, ng No. 199 Catleya Street, Caloocan City, ang libu-libong pekeng pera nang bayaran ang inorder na pagkain sa Las Piñas City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa China Foos City na matatagpua­n sa Barangay Almanza 1 sa Las Piñas City, dakong 7:30 ng gabi.

Sa inisyal na pagsisiyas­at, nag-order ng pagkain ang suspek at nagbayad gamit umano ang pekeng pera, dahilan upang ipaaresto siya ng pamunuan ng establisye­mento.

Nakumpiska sa suspek ang 100 piraso ng pekeng P1,000 bills, dahilan upang dalhin siya sa himpilan ng pulisya.

Bago arestuhin ni PO1 Johnrex Calicdan, ng Police Community Precinct (PCP) 7, nagtungo umano ang suspek sa barangay upang ireklamo ang kanyang employer sa pagpapasuw­eldo umano sa kanya ng pekeng pera.

Kinasuhan ang suspek sa paglabag sa Illegal Possession and Used of False Treasury or Bank Notes.

Samantala, nasa kabuuang P48,500 pekeng cash ang nasabat kay Nurhan Nur y Mohammad, 25, ng Poblacion 7, Cotabato City, nang bumili ito ng ticket sa bus terminal sa Pasay City.

Sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 7, sa ilalim ni Shief Insp. Freud Vila, ang suspek sa loob ng Grand Courier Terminal sa EDSA, Bgy. 152, Zone 16, sa Pasay City, bandang 4:15 ng hapon.

Nagsasagaw­a ng police visibility ang mga pulis nang ipabatid sa kanila ng cashier ng terminal na si Enrico Catienza y Guindatuan na pekeng pera ang ibinayad ng suspek.

Agad na inaresto ng awtoridad si Nur, at nakumpiska ang mga pekeng pera; isang P1,000 bill; 30 pirasong P500 bill; 150 pirasong P200 bill; at 50 pang P50 bill.

Patuloy na iniimbesti­gahan ang suspek, kakasuhan sa paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code (Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes and Other Instrument­s of Credit) sa Pasay Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines