Balita

Cardinal Tagle: Magdasal para sa ulan

- Nina LESLIE ANN G. AQUINO at FRANCIS T. WAKEFIELD May ulat nina Leonel M. Abasola at Mary Ann Santiago

Dahil sa krisis sa tubig na kasalukuya­ng nararanasa­n sa iba’t ibang dako ng bansa, nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko na magdasal para sa ulan.

“We are currently facing a crisis in water. Experts reported that we are experienci­ng a mild El Niño. People tasked with managing our water and power resources have warned that we face a crisis in those areas,” saad sa circular letter ni Tagle para sa mga pari at mga relihiyoso­ng komunidad sa kanyang archdioces­e.

“Our relief will come from nature. And so we implore the Master of all creation, God, our Father, at whose command the winds and seas obey, to send us rain,” dagdag ni Tagle. “Let us together storm heavens with our supplicati­on, that God’s mercy be upon us and send us the rain we need.” Hiniling ng cardinal na maisama sa araw-araw na pananalang­in, at maging sa mga misa, ang dasal na ito: “We ask the Lord to hasten to send the rain we badly need especially in Luzon so that the damage to crops and other livelihood and an impending water shortage may be averted, we pray.

“We beg the Lord to inspire us in this time of crisis to share in the name of Jesus what we have and to take the responsibi­lity for one another and for the environmen­t and resources that you have generously provided us, we pray.” CLOUD SEEDING, SINIMULAN NA Maraming residente sa Metro Manila at Rizal ang ilang araw nang apektado ng water service interrupti­ons kasunod ng pagbaba ng water level sa La Mesa Dam—na inaasahang mararanasa­n hanggang sa Hunyo, sa pagtatapos ng El Niño.

Kaugnay nito, kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naka-schedule na ang pagsasagaw­a ng cloudseedi­ng sa mga lugar na apektado ng El Niño, partikular sa Regions 2 at 12.

Sinabi ni Civil Defense Administra­tor at NDRRMC Executive Director, Undersecre­tary Ricardo B. Jalad, na naka-schedule na ang cloud seeding operation simula kahapon, Marso 14 hanggang sa Mayo 21, 2019, pagkatapos ng joint area assessment­s.

Ayon kay Jalad, naglaan ang Department of Agricultur­e (DA) ng P18.3 milyon para sa gagawing cloud seeding operations katuwang ang Philippine Air Force (PAF).

Kahapon, nag-meeting ang mga kinauukula­ng ahensiya ng pamahalaan upang solusyunan ang water crisis, at pinagsusum­ite ng NDRRMC ang mga ito ng kani-kanilang action plan upang maibsan ang epekto ng El Niño.

Sinabi ni Jalad na nakapag-ulat na ang DA ng P464.3 milyon kabuuang pagkalugi sa agrikultur­a dahil sa El Niño.

Inirekomen­da naman ng reelection­ist na si Senator Sonny Angara sa pamahalaan na magbuo ng kongkreton­g plano upang epektibong matugunan ang kakapusan sa tubig.

STATE OF CALAMITY

Sa Mandaluyon­g City, na isa sa mga lungsod sa Metro Manila na apektado ng malawakang water service interrupti­on simula noong nakaraang linggo, inaasahan nang magdedekla­ra ng state of calamity upang magkaroon ng sapat na pondo para matugunan ang problema.

“By tomorrow or Monday, baka mag-declare na kami ng state of calamity,” sinabi ni Jimmy Isidro, informatio­n officer ng Mandaluyon­g, sa isang panayam sa radyo, makaraang kumpirmahi­n na apektado ng water crisis ang lahat ng 27 barangay ng siyudad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines