Balita

Safe sa amin si Salic—Lanao Police chief

- Bonita L. Ermac

MARAWI CITY – Babantayan nang husto si Marawi City, Lanao del Sur upang masigurong protektado ito sa kustodiya ng mga awtoridad kasunod ng pagkakaare­sto nito sa munisipyo ng lungsod sa kasong rebelyon, nitong Miyerkules ng umaga.

Ito ang tiniyak kahapon ni Lanao del Sur Police Provincial director, Senior Supt. Madzgani Mukaram.

Kahapon, nasa kustodiya pa ng 103rd Infantry Brigade si Salic kung saan isinailali­m ito sa custodial debriefing at medical check-up.

Magtatalag­a aniya ito ng mga pulis kay Salic upang magbantay 24 oras.

Matatandaa­ng nagkaroon ng tensiyon sa munisipyo ng lungsod nang damputin ng mga tauhan ng 103rd IB ng Philippine Army (PA) si Salic, nitong Miyerkules ng umaga.

Nauna nang naiulat na nagpumigla­s pa umano si Salic sa mga sundalong umaaresto sa kanya ngunit boluntaryo rin siyang sumama sa mga ito nang ipaliwanag sa kanya ang mga karapatan niya kaugnay ng naturang kaso.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni 103rd IB commander, Romeo Brawner, Jr. na hindi nagkaroon ng lock down sa lungsod at sa halip ay nagpatupad lamang sila ng enchanced checkpoint upang maaresto ang iba pang miyembro ng pamilya ni Salic na kasama sa Martial Law Administra­tor Arrest Order na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte, noong Setyembre 4, 2017, sa kasong rebelyon.

Ito ay kaugnay ng pagkakasan­gkot umano ng mga ito sa 2017 Marawi siege.

Bukod sa rebelyon, nahaharap din si Salic sa paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 ngunit nakapagpiy­ansa ito, ayon sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA).

Nakabimbin din sa korte ang kinakahara­p na kasong murder na isinampa ng Criminal Investigat­ion Detection Group (CIDG) laban sa kanya, ayon kay Brawner.

 ??  ?? GOTCHA Si Marawi City, Lanao del Sur Vice Mayor Arafat Salic habang isinasaila­lim sa custodial debriefing at medical check-up sa 103rd Infantry (Haribon) Brigade headquarte­rs matapos madakip ng militar sa city hall sa kasong rebellion, nitong Miyerkules ng umaga.
GOTCHA Si Marawi City, Lanao del Sur Vice Mayor Arafat Salic habang isinasaila­lim sa custodial debriefing at medical check-up sa 103rd Infantry (Haribon) Brigade headquarte­rs matapos madakip ng militar sa city hall sa kasong rebellion, nitong Miyerkules ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines