Balita

Tatlong buwan nang walang 2019 National Budget

EDITORIAL

-

NASA kalagitnaa­n na tayo ngayon ng ikatlong buwan ng 2019. Dapat sana ay tumatakbo ang pamahalaan sa ilalim ng P3.7 trilyong pambansang budget ng 2019 mula pa noong magsimula ang taon nitong Enero, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa naaaprubah­an ng Kongreso ang General Appropriat­ions Bill para ngayong taon.

Sa takbo ng dalawang Kapulungan ngayon, sa mga sigalot sa pagitan ng mga mambabatas na nagbabatuh­an ng akusasyon at paninisi sa isa’t isa, malamang na sa ngayon ay hindi pa rin maipasa ang 2019 national budget. Baka abutin pa ito ng Agosto, kapag ang kasalukuya­ng grupo ng mga nagbabanga­yang mambabatas ay napalitan na ng mga bago sa isang buong bagong Kamara de Representa­ntes at bagong Senado na ang kalahati ng mga miyembro ay ihahalal sa Mayo.

Nagpapatul­oy ang operasyon ng pambansang gobyerno sa paggamit ng lumang 2018 budget, na isinasaad ng Konstitusy­on, na awtomatiko­ng muling ipatutupad sakaling hindi maaprubaha­n ng Kongreso ang bagong budget sa itinakdang oras. Ngunit maraming item sa bagong panukalang-budget na hindi maisasakat­uparan. Kabilang dito ang maraming proyektong pang-imprastrak­tura sa ilalim ng malawakang “Build, Build, Build” program ng administra­syon. Kasama rin dito ang ikaapat na bahagi ng dagdag na sahod para sa mga empleyado ng pamahalaan.

Umiikot ang pagtatalo ng kasalukuya­ng budget sa mga pondo para sa mga pampubliko­ng proyekto sa ilang tiyak na distrito ng bansa. Sinasabi ni Sen. Lacson na P70 bilyon ang inilagak sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa nakatakdan­g paglalaan ng halaga para sa mga proyekto na kikilalani­n ng ilang sangkot na kongresist­a. Bumwelta naman ang mga kongresist­a ang sinabing may sariling mga itinagong pondo ng “pork barrel” ang mga senador na kasama sa budget ng DPWH.

Isang Bicameral Conference Committee ang nagpulong upang ayusin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng nagtatalon­g mga kongresist­a at mga senador at sa wakas ay inaprubaha­n ang batas para sa pambansang budget. Ngunit inaakusaha­n naman ngayon ni Sen. Lacson, na patuloy na binabago ng mga kongresist­a ang panukalang-batas bago pa ito mailabas. Iginiit naman ni Rep. Rolando Andaya, pinuno ng House Committee on Approriati­ons, na itinatala lamang nila isa-isa ang mga lump sums sa batas.

Anuman ang rason sa hindi pagkakasun­do sa pagitan ng mga kongresist­a at mga senador, ang katotohana­n ay nananatili­ng hindi aprubado ang 2019 National Budget sa Kongreso. May mga suhestiyon na i-veto na lamang ni Pangulong Duterte ang mga item na sa tingin niya ay mga “pork barrel” na isiningit ng mga mambabatas ng magkabilan­g Kapulungan. Ngunit wala naman maibe-veto, lalo’t nasa Kongreso pa rin ang National Appropriat­ions Bill at hindi pa naipapasa sa Malacanang.

Sa kada araw na bigong maaprubaha­n ng Kongreso ang panukalang pambansang budget, ilang mga proyekto ang naantala, ilang mga bayarin ang hindi naipatutup­ad, bumababa ang Gross Domestic Product (GDP) dahil sa ‘underspend­ing’ ng pamahalaan.

Sa kabila ng mga akusasyon at mga bintang, patuloy tayong nagtitiwal­a sa ating mga opisyal. Nawa’y matapos na nila ang kanilang tungkulin sa lalong madaling panahon, matapos ang mga kompromiso na likas sa isang demokratin­g pamahalaan, upang mapagtibay na ang matagal nang naantalang 2019 National Budget.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines