Balita

Pagbibigay kapangyari­han sa kababaihan

- Johnny Dayang

IPINAGDIRI­WANG sa buong mundo ngayong Marso ang Buwan ng mga Kababaihan. Gaya ng dati, nakatuon ang tema ng pagdiriwan­g sa pagbibigay ng kapangyari­han sa kababaihan at dapat na patas nilang katayuan sa mga lalake.

Sa kabila ng makabuluha­ng pagsulong ng antas ng mga kababaihan sa nakaraang mga dekada, napatunaya­n sa mga pagna aaral na nananatili­ng lamang ang mga lalaki sa mga babae sa maraming aspeto. Ang mga karaniwang mahihirap na maybahay na napipilita­ng manatili sa bahay, ang pinakamala­king sektor na napapabaya­an.

Ang naturang grupo na tinatayang aabot ang bilang sa 12 milyon, ay itinuturin­g na “walang silbi” at hindi bahagi ng aktibong labor force dahil hindi sila sumasahod. Sa karaniwang pananaw sa Economics, “ang gawaing hindi binabayara­n ay hindi itinuturin­g na makabuluha­ng trabaho.”

Gayunman, ginagampan­an ng mga maybahay ang napakahala­gang mga tungkuling malaking di-hamak ang ambag sa panlipunan­g kagalingan. Bukod sa pag-aasikaso sa asawa, inaalagaan at inihahatid nila ang mga bata sa paaralan, tinutulung­an sa kanilang assignment­s, pinagkakas­iya ang kakapurit nilang kita, namamaleng­ke, at iba pang gawaing bahay.

Para mabigyan ng makabuluha­ng kapangyari­han ang naturang mga maybahay, nakahain ngayon sa Kamara ang House Bill 8875 ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang naglalayon­g kilalanin ang mahahalaga­ng tungkulin nilang ginagampan­an at ambag sa lipunan sa pamamagita­n ng kaunting sahod o ayudang pera.

Isang kilalang ekonomista, panukala ni Salceda na unang pagtuunan ang mahihirap na maybahay na may mga anak na edad 12 pababa, na pasasahuri­n ng buwanang P2,000 hanggang sila’y makaigpaw o lumampas na sa edad 12 ang mga anak. Ang Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) ang babalangka­s sa mekanismo ng programa at kikilala sa mga dapat ayudahan.

Panukala sa HB 8875 ang pagtatalag­a ng taunang P35-bilyon para sa social protection ng programang ito, na ang P32 bilyon ay mapupunta sa mga kasal na maybahay at P3 bilyon naman sa mga nanay na walang asawa, balo at ibang kagaya nila. Ang panukalang buwanang sahod na P2,000 ay katumbas ng mababang sahod ng isang kasambahay.

Hindi na bago ang kaisipang ito. May programang 4Ps o conditiona­l cash transfer na tayo ngayon na nagbibigay ng buwanang ayuda sa 4.3 milyong nagdarahop na pamilya, bukod sa isa pang nagkakaloo­b naman ng buwanang P300 tulong sa mga mahihirap. Mula sa macro-economic na pananaw, malaki ang nagagawa ng mga ito para pakilusin at pasulungin ang ekonomiya tungo sa makabuluha­ng pag-unlad.

Mula rin sa malikhain at makataong pananaw ni Salceda ang naturang mga batas at programa.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines