Balita

Limitasyon sa freedom of expression ni DU30

- Ric Valmonte

“ALAM ninyo, kayong mga babae, ipinagkaka­it ninyo sa akin ang karapatan kong sabihin ang aking saloobin. Binabatiko­s ninyo ako sa bawat pangungusa­p o salita na sinasabi ko. Pero, iyan ay ang kalayaan kong ihayag ang aking sarili. Mahal ko ang babae. Hindi dahil sa sinasabi kong gusto ko ang mga babae ay sinisira ko ang kanilang dangal. Hindi nila ako maintindih­an. Wala akong naaalala na hindi ko iginalang o siniraan ang sinuman,” wika ni Pangulong Duterte

sa seremonyan­g ginanap sa Malacañang nitong Lunes ng gabi sa pagpaparan­gal sa sampung babaeng pulis at sundalo.

“Nais kong ipaalala sa Pangulo na ang kalayaang magpahayag ay nakapaloob sa karapatang pantao. Sa kontekston­g ito, ang karapatan ng indibiduwa­l na maghayag ng saloobin ay hindi dapat balewalain ang karapatan ng iba, tulad ng karapatan ng mga babae na maging malaya sa karahasan. Kapag ang Pangulo ang nagsabi na okay lang ang manggahasa ng babae, itinataguy­od niya ang kultura ng rape, na ultimo ay nagbubunga ng panggagaha­sa sa mga babae. Ang epekto ng marahas na pananalita laban sa kababaihan ay masasalami­n sa mga malawakang pagpatay, pagbabanta sa buhay ng mga pari at pagbatikos ng mga lider- kababaihan ng oposisyon,” sabi ni Senador Risa Hontiveros bilang reaksyon sa naging pahayag ng Pangulo.

Mahirap tanggapin ang paliwanag ng Pangulo na wala siyang layuning maliitin at siraan ang kababaihan. Marahil, mauunawan siya kung iba ang dahilan kung bakit siya nagkakagan­ito. Pinuno kasi siya ng bansa

at sa kanya ipinagkati­wala ng sambayanan ang kanilang kapangyari­han. At ang kapangyari­hang ito ay gagamitin niya sa ikabubuti ng lahat o nakararami, at hindi ikasasama ng kahit sino o grupo ng mga tao. Anong kabutihan, halimbawa, iyong ipagmalaki mo sa iyong tagapakini­g na minsan noong ikaw ay bata, ay ipinasok mo ang iyong daliri sa ari ng natutulog ninyong kasambahay? Makabubuti bang gawing biro ang panggagaha­sa? Nakakagand­a ba sa ikatatahim­ik ng bansa ang utusan mo ang mga sundalo na barilin sa kanilang ari ang mga babaeng rebelde?

Ang pagiging marahas ng Pangulo sa kanyang pananalita ay nagbubunga na ng mga pagpatay at karahasang nangyayari sa ating bansa hindi lamang sa mga kababaihan. Kung ano ang mga krimeng naganap noon nang ipagkatiwa­la ng mamamayan sa kanya ang kanilang kapangyari­han sa kanyang pangako na susugpuin ang mga ito, dahil umasa sila sa kanya na magagawa niya ito, ay siya ring mga krimeng ngayong namemerwis­yo at nagpapaham­ak sa mamamayan. Hindi lang sa mga kalye, kundi maging sa mga tahanan,

ay nagaganap ana ng mga ito.

Walang nagkakait sa Pangulo sa kanyang karapatang magpahayag. Pero, iyong inako niyang tungkuling mamuno ng bansa at pagtitiwal­a na ibinigay sa kanya ng taumbayan na tapat niyang tutuparin ito, ay may limitasyon­g dapat niyang isaalang-alang sa paggamit niya ng karapatan. Kapag ikaw ang namuno, magbigay ka ng magandang halimbawa. Iyong halimbawan­g igagalang ka, pero iginagalan­g mo rin sila. Kung ano ang nais mong gawin nila, ikaw ang makikitang unang gumawa, kung maaari. Hindi lang iyong ikaw ay malinis kundi nasa itsura mo ang pagiging malinis. Sa ganitong paraan, maluwalhat­i mong maitataguy­od ang polisiyang nais mong maipatupad.

Kung sa ganitong konteksto ilalagay ang war on drugs ng Pangulo, sa palagay kaya ninyo ay magtatagum­pay ito? Hindi. Kasi, pananakot lang ang nangyari. Sa sinseridad, kulang na kulang. Nakapapata­y ka na sa pagpapaira­l nito, wala namang nahuli o matukoy na taong nagpapasok ng bilyun-bilyong halaga ng shabu na nagdaan pa sa pantalan ng bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines