Balita

Jo Berry, posibleng ma-in love kay Wendell

- Ni MERCY LEJARDE Jo at Wendell

AS of this writing, March 13, ay last taping day na ng Kapuso primetime teleserye na Onanay headed by Nora Aunor, Cherrie Gil, Mikee Quintos, Wendell Ramos, Kate Valdez, at Jo Berry. This Friday naman ang pagbabu ng Onanay sa mundo ng telebisyon kaya halos lahat ng cast nito ay dumaranas ng separation anxiety cause naging close na nga sila sa isa’t isa kasi tumagal ng mahigit walong buwan ang taping nila sa nasabing serye.

Sa press set visit namin sa Onanay ay isa si Jo Berry sa mga na-interview namin. Tinanong ni Yours Truly ang aktres kung ano ang natutuhan niya habang ginagawa ang Onanay series?

Aminado si Jo na napakarami niyang natutuhan sa pagganap bilang Onay at siguradong matatagala­n bago siya maka-move on sa kauna-unahan niyang teleserye.

“Marami akong natutunan dito, unang-una po ‘yung love is very powerful lalo na ‘yung love ng mother na kahit anong pagdaanang hirap sa buhay, hindi naman permanente ‘yung hirap na ‘yun. Magiging okay ka rin kahit gaano katagal,” sabi niya.

Posible bang ma-in love ka rin sa isang normal na lalaki sa tunay na buhay tulad ni Lucas na ginagampan­an ni Wendell Ramos?

“Natanong n’yo po ‘yan sa akin nu’ng last set visit n’yo dito sa taping namin, ‘di ba?,” balik tanong nito kay Yours Truly habang pinipisil-pisil ang nakakagigi­l niyang maliliit na daliri na may ring na tipong engagement ring, ha!

“Eh, gusto ko uling marinig kasi baka nagbago na ang isasagot mo,” hirit naman ni Yours Truly.

“Oo naman po. ‘Di ba wala namang imposible, I mean, when you talk about love wala namang gender, height, age, or estado sa buhay,” ang may sense namang sagot niya, in pernes.

So puwede siyang ma-in love kay Wendell Ramos, ganerrnn? Isang mala-broadway smile lang ang kanyang naging kasagutan.

Sa eksena kasi nila ni Wendell nito lang Martes ng gabi sa Onanay ay tipong umamin na si Wendell sa panghahala­y niya kay Jo as Onay. Nagawa niya umano ito dahil sobrang kalasingan at sa impluwensi­ya ng droga. Sayang nga lang at hindi namin na-interview si Wendell nang mag-press set visit kami sa Onanay.

Well, abangan ang huling gabi ng Onanay this friday sa GMA Telebabad pagkatapos ng Kara Mia, at sinisiguro ni Jo na maraming makaka-relate sa ending ng serye.

K, noted.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines