Balita

I allow myself to be directed—Eric

- Ni NORA V. CALDERON

WALANG arte ang director-actor na si Eric Quizon sa pagtanggap ng projects na inio-offer sa kanya. Hindi rin daw siya tumatanggi kapag sinabi na sa kanya ang anong role na gagampanan dahil alam niyang maganda at may challenge ang role na gagampanan niya.

Isang mahusay na direktor si Direk Eric pero dumating ba iyong time na nagdidirek muna siya, at secondary na lamang ang acting?

Hindi ba problema sa kanya kung idinidirek siya ng ibang director?

“Hindi naman, mabait akong artista,

I allow myself to be directed,” sagot ni Direk Eric. “Pero kung minsan na napapansin ko na hindi na niya alam ang ginagawa niya, kinakausap ko siya at nagdi-discuss kami kung ano ang dapat niyang gawin. Mabuti na iyon para nagkakaint­indihan kami.”

May time ba na nadi-disappoint din siya kapag ‘di nasusunod ang napag-usapang role na gagawin niya?

“Yes, may ganoon kung minsan. Pero may mga reasons din naman kung bakit. Okay lamang sa akin iyon, ganoon talaga sa production.”

Thankful naman si Eric na may kasunod siya agad na project sa GMA after ng Victor Magtanggol. Kontrabida ba ulit ang karakter niya sa bagong serye? “I will play the role of Hubert, taga-Maynila, ang business ko is coral mining sa village nina Sahaya sa Tawi-Tawi. Gusto kong bilhin ang lupa nina Sahaya pero hindi ko sila makumbinsi na ibenta sa akin iyon. Anak ko rito si Jordan, played by Migo Adecer.

“Sa ngayon, hindi pa kami nakapagti-taping dahil ang character ko, lalabas pa lamang sa third week, ipapakita muna ang simula ng story ni Sahaya, played by Bianca Umali. Nakasama ko pa lamang sila during the look test at pictorial namin.”

Sa March 18 na ang world premiere ng

Sahaya sa GMA primetime telebabad, after ng Kara Mia.

 ??  ?? Eric
Eric

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines