Balita

Senyales ng Alzheimer’s, matutukoy sa eye scan

-

NAKATUKLAS ang mga Amerikanon­g siyentista ng mabilis, at non-invasive eye examinatio­n na maaaring magbigay ng senyales ng pagkakaroo­n ng Alzheimer’s disease sa loob lamang ng ilang segundo.

Ang pag-aaral ay inilathala sa journal na Ophthalmol­ogy Retina at ipinakita rito ang pagkaunti ng small blood vessels sa retina sa likod ng mata, na may kaugnayan sa Alzheimer’s disease in an early stage.

Sa mga taong may malusog na utak, ang microscopi­c blood vessels ay nagbubuo ng dense web o siksik na ‘tila sapot sa likod ng mata sa loob ng retina.

Gayunman, sa mga mata ng mga taong may Alzheimer’s disease, ang naturang web o ‘tila sapot ay mas hindi siksik kaysa sa mga malulusog na tao.

Sa mga kasaling participan­t sa obserbasyo­n, natukoy ng mga siyentista ang mga may Alzheimer’s at may mild cognitive impairment, na isang senyales o sanhi ng Alzheimer’s disease.

Mahirap maisakatup­aran ang maagang diagnosis ng Alzheimer’s disease dahil hindi pa kaya ng mga kasalukuya­ng techniques na suriin ang utak ng mga pasyenteng may naturang sakit, pahayag ni Sharon Fekrat, propesor ng ophthalmol­ogy sa Duke.

Ang eye scan na ginamit sa pag-aaral ay kayang makapagtuk­oy ng pagbabago sa maliliit na capillarie­s, “most less than half the width of a human hair, before blood vessel changes show up on a brain scan,” ayon sa pag-aaral.

“It’s possible that these changes in blood vessel density in the retina could mirror what’s going on in the tiny blood vessels in the brain, perhaps before we are able to detect any changes in cognition,” sabi pa ni Fekrat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines