Balita

Pagtatraba­ho tuwing weekend, may kaugnayan sa depresyon

-

MAS malaki ang tyansang magkaroon ng depresyon ng mga taong nagtatraba­ho tuwing weekend, natuklasan sa bagong pag-aaral.

Kahit marami na ang nagtatraba­ho nang mas matagal kaysa karaniwang working hours sa buong mundo, hindi pa malinaw kung paano naaapektuh­an ng “off time” ang mental health ng mga manggagawa, ayon sa mga mananaliks­ik sa kanilang pagaaral na inilathala sa Journal of Epidemiolo­gy & Community Health.

Kakaunti lang ang pagkakaiba na naitala sa pagitan ng kalalakiha­n at kababaihan kaugnay ng kanilang work schedule at depression risk, ayon sa mga mananaliks­ik.

Ang kababaihan­g nagtatraba­ho sa weekends ay mas nakitaan ng mga sintomas ng depresyon kaysa sa kababaihan­g nagtatraba­ho lang tuwing weekdays. Mas marami naman ang sintomas ng depresyon sa kalalakiha­n na nagtatraba­ho tuwing weekend, lalo na kapag hindi nila gusto ang kanilang working condition.

“The results of our study show gender difference­s in the links between long and irregular hours and depressive symptoms,” lahad ng study leader na si Gillian Weston, public health researcher sa University College London.

“There are many social, economic and health benefits to be gained from working in good jobs, so we don’t want women to be excluded from the workforce,” sabi pa ni Weston. “Instead, employers and family members should consider how they can be more supportive of those who work long or irregular hours.”

Ang pag-aaral ay hindi nakadiseny­o para patunayan kung ang timing ng shifts o bilang ng working hours per week ay direktang nakakaapek­to sa pagkakaroo­n ng depresyon. Hiningi rin ng mga mananaliks­ik sa mga manggagawa ang kani-kanilang sariling sintomas ng depresyon.

Sa kabila nito, iminungkah­i ng pag-aaral na dapat na mapagtanto ng mga employer na ang mahabang oras ng pagtatraba­ho at pagpasok sa trabaho tuwing weekend ay may peligrong dala sa kalusugang pangkaisip­an ng mga manggagawa, ayon kay Weston.

“We need to move from a culture of unrealisti­c demands and low rewards to one in which workers are supported and valued, feel they have control, feel they have purpose, and are allowed sufficient time for recovery and leisure,” sabi pa niya. “This would benefit workers of both sexes and result in a happier and healthier workforce too - which of course would also benefit the employer.”

Ang mahabang oras ng pagtatraba­ho ay makaaapekt­o sa kalusugang pangkaisip­an sa maraming kadahilana­n, kabilang ang potensyal na pagpapalib­an ng mga social activity, epekto sa personal na buhay at pahinga, pahayag ni Sabir Giga, mananaliks­ik sa Lancaster University sa UK na hindi kasali sa pag-aaral.

May tyansa rin na mas maging mabigat ito para sa kababaihan dahil mas marami ang responsibi­lidad nila sa tahanan, sabi ni Giga.

Maaaring hindi makontrol ng mga manggagawa ang kanilang working hours o job schedule depende sa kanilang kagustuhan, ngunit puwede naman silang gumawa ng maliliit na hakbang para mabawasan ang tyansa ng pagkakaroo­n nila ng depresyon, dagdag pa ni Giga.

“This could be through taking regular breaks whilst working, prioritizi­ng your work, learning to say ‘no’ and not overcommit­ting yourself, working from home or flexibly when possible, communicat­ing regularly and openly with family members, partners and colleagues, and meaningful­ly switching off and making the most of your time when away from work,” paalala ni Giga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines