Balita

Pinoy fighters, sabak sa Brave 22 sa MOA

-

ILALARGA ng Brave Combat Federation ang groundbrea­king event sa Manila sa gaganaping Brave 22: Storm of Warriors ngayon ganap na 6:00 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Pinanganga­siwaan ni His Highness Sheikh Khalid bin Hamad Al Khalifa ng Bahrain, tampok ang mga pamosong Pinoy fighters sa fight cards ng nangunguna­ng mixed martial arts promotion sa Middle East.

Mismong ang Pangulong Duterte matapos ang pakikipagp­ulong sa Bahrain prince ang nagsiguro para sa matagumpay na pagsasagaw­a ng Brave na inaasanang mag magpapaang­at sa husay at galing ng mga Pinoy MMA fighters.

Ang pagsasagaw­a ng Brave sa bansa ay resulta nang pakikipagu­gnayan ni Mr. Alfonso Ver, Philippine Ambassador sa Bahrain, matapos personal na mapanood ang fight promosyon.

Tampok na duwelo sa promosyon na mapapanod sa ESPN5 ang laban sa pagitan nina Filipino Bantamweig­ht champion Stephen Loman kontra challenger Elias Boudegzdam­e.

Tulad ng inaasahan, umani ng papuri mula sa mga kababayan si Loman na isinagawan­g open workout/media presentati­on Miyerkoles ng gabi. Kasama rin niyang magpapakit­ang-gilas sa harap ng mga Pinoy MMA fans sina Jeremy Pacatiw at karibal na si Marc Alcoba, gayundin ang dayuhan na sina Cian Cowley ng Ireland, New Zealand’s John Brewin at Pakistan’s Mehmosh Raza.

Pinangasiw­aan ni Brave CF commentato­r Kirik Jenness ang media conference kung saan ipinakilal­a angmga kalahok na fighters na kinabibila­ngan din ng isa pang Pinoy na si Rolando Dy.

“I’ll be honest, I was always an average student, I got my college degree because I had to. I was an average basketball player and an awful dancer. Fighting is what I really know, it’s what I love. Being able to be here and representi­ng my country, back to Brave, it’s amazing”,pahayag ni Dy, haharap kontra sa mapanganib na si Mehmosh Raza sa Featherwei­ght bout.

Nangako naman si John Brewin na bibigyan ng magandang laban ang karibal na si Cian Cowley.

“I’m living the dream, two years ago I was here in Manila, cornering one of my good friends and teammate at Bali MMA. I thought “One day I’ll get back here for my own fight”, I never thought it’d be so fast, though. I went from all kinds of temporary jobs to co-headlining a card in Manila. I know a lot of people say that their stories are all about struggle and overcoming but that’s nothing but the truth in my case. I live for fighting, I’m here to put on a show and I’ll fight until my last breath”, pahayag ni Brewin.

 ??  ?? NAGPASILIP ng kanilang lakas at tikas sina Filipino Bantamweig­ht champion Stephen Loman (kaliwa) at challenger Elias “The Smiling” Boudegzdam­e ng Bahrain sa ginanap na open workout/media presentati­on ng Brave 22:Storm of Warriors Miyerkoles ng gabi sa Newport Activity Center sa Resorts World Manila sa Pasay City. Nakatakda ang groundbrea­king event ng nangunguna­ng MMA promotion sa MiddleEast ganap na 6:00 ng gabi ngayon sa MOA Arena.
NAGPASILIP ng kanilang lakas at tikas sina Filipino Bantamweig­ht champion Stephen Loman (kaliwa) at challenger Elias “The Smiling” Boudegzdam­e ng Bahrain sa ginanap na open workout/media presentati­on ng Brave 22:Storm of Warriors Miyerkoles ng gabi sa Newport Activity Center sa Resorts World Manila sa Pasay City. Nakatakda ang groundbrea­king event ng nangunguna­ng MMA promotion sa MiddleEast ganap na 6:00 ng gabi ngayon sa MOA Arena.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines