Balita

Calamity fund sa mangingisd­a, magsasaka, giit

- Minka Klaudia S. Tiangco at Chito A. Chavez

Hiniling ng isang grupo ng mangingisd­a at magsasaka sa Department of Agricultur­e (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magkaloob ng tulong sa kanila ngayong labis silang naaapektuh­an ng El Niño.

Ayon kay Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) National Chairman Fernando Hicap, dapat ipamahagi ang calamity fund ng pamahalaan sa mga mangingisd­a at magsasaka, na “frontline casualties” tuwing tagtuyot.

Sa isang pahayag, sinabi ng PAMALAKAYA na ang nahuhuli ng maliliit na mangingisd­a ay bumaba; mula sa pito hanggang sampung kilo ay naging tatlong kilo kada palaot na lang ang naiaahon nila.

Ayon kay Ronnel Arambulo, PAMALAKAYA-Laguna de Bay coordinato­r, na ang presyo ng mga isda sa Laguna de Bay ay nasa “all-time low” dahil sa mas mababang kalidad dulot ng matinding init ng panahon.

Ang presyo ng tilapia ay bumaba ng 40 porsiyento, mula sa dating P50 kada kilo ay naging P20 kada kilo. Samantala, ang bangus ay P50 kada kilo, na 71% mas mababa kumpara sa P70 kada kilo.

Samantala, hiniling din ng na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa gobyerno na magkaloob ng tulong sa mga magsasakan­g apektado ng tagtuyot.

Ayon kay Danilo Ramos, KMP chairman, maaaring gamitin ng pamahalaan ang calamity at quick response fund.

“Marami ang walang kita at malulugi ngayong anihan dahil mababa o walang ani dahil sa tagtuyot,” sabi ni Ramos. “DA’s cloud seeding and solar irrigation activities are good but not enough. Farmers need actual and immediate relief.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines