Balita

Ebidensiya vs iba pang narco-pols, kinakalap

- Aaron Recuenco

Patuloy sa pangangala­p ng ebidensiya ang mga awtoridad upang mapatunaya­ng sangkot sa illegal drugs trade ang ilang pulitiko sa Pilipinas.

Ayon kay Senior Supt. Bernard Banac, tagapagsal­ita ng Philippine National Police (PNP), patuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) para sa mga saksi at ebidensiya upang matulungan ang pamahalaan na idiretso sa korte ang mga narcopolit­icians.

“The PNP and PDEA are working together in monitoring elected officials who are believed to be involved in illegal drugs activities. We continue to gather pieces of evidence and informatio­n and validation of reports that we would receive,” ayon kay Banac.

Una rito, tinukoy ni Pangulong Duterte ang 46 na local politician­s na iniuugnay niya sa illegal drugs trade. Kabilang sa listahan ang tatlong kongresist­a, isang provincial board member, 35 alkalde, at pitong bise alkalde.

Sa inisyal na ulat, gumamit ng modern surveillan­ce equipment ang pamahalaan sa pagberipik­a sa mga pulitikong sangkot sa droga, ngunit binawi ito ng Malacañang.

Sinabi ni Banac na maraming local politician­s, na karamihan ay reelection­ist ngunit may ilan na piniling hindi kumandidat­o sa Mayo, ang nasa inisyal na listahan.

“But because of the validation, the number was reduced to 46,” ani Banac.

Gayunman, sinabi niya na patuloy nilang inaalam ang koneksiyon ng mga hindi pinangalan­an ng Pangulo.

“This is only the partial list of narco-politician­s. Others are still being revalidate­d while there are some, who were transferre­d to civilian list, since they are no longer holding or running for public office,” pahayag ni PDEA spokesman Derrick Carreon.

“The names of politician­s that were not announced are subject for continuous validation and case build-up by the intelligen­ce agencies of the government,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines