Balita

James Gunn, balik sa ‘Guardians of the Galaxy 3’

-

NEW YORK (AP) — Makalipas ang ilang buwan matapos masibak dahil sa mga luma niyang tweets, rehired si James Gunn bilang direktor ng Guardians of the Galaxy Vol. 3.

Nitong Biyernes, kinumpirma ng mga kinatawan ng Walt Disney Co. at ni James na ibinalik na siya bilang writer-director ng Marvel franchise, na dati na niyang ginawa.

Hulyo nang nakaraang taon nang sinibak ang direktor matapos muling lumutang ang dekada nang nakalipas na mga tweet niya tungkol sa pedophilia at rape.

Una nang humingi ng tawad si James sa kanyang mga naging tweet, na tinawag niyang “unfortunat­e efforts to be provocativ­e”. Sa panahong iyon, sinabi ni Disney Chairman Alan

Horn na taliwas ang mga naging pananalita ni James sa values ng kumpanya.

Taong 2008 hanggang 2011 pa ang nasabing tweets, na muling binuhay ng mga far-right propagandi­sts na sina Mike Cernovich at

Jack Posobiec, na sumuyod sa social media history ng direktor matapos nitong batikusin si President

Donald Trump.

Gayunman, mariing tinutulan ng marami ang pagkakatan­ggal kay James,

at bumuo pa ang mga fans ng isang petition online. Nagpahayag din ng suporta kay James ang cast ng Guardians, kabilang sina Chris Pratt, Bradley Cooper,

Zoe Saldana, Vin Diesel at iba pa sa pamamagita­n ng isang open letter. “Although I don’t support James Gunn’s inappropri­ate jokes from years ago, he is a good man,” pahayag ni Chris.

“I am tremendous­ly grateful to every person out there who has supported me over the last few months,” tugon naman ni James sa mga sumuporta sa kanya. “I am always learning and will continue to work at being the best human being I can be.”

Nagpasalam­at din si James sa Disney at sinabing “[he was excited to] continue making films that investigat­e the ties of love that bind us all.”

Nakatakda ring isulat at idirehe ni James ang susunod na instalment ng Suicide Squad ng Warner Bros. para sa Marvel, na karibal ng DC Comics. Inaasahang ilalabas ang pelikula sa Agosto 2021. Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento ang Disney spokesman hinggil sa kung kailan sisimulan ang produksiyo­n ng Guardians 3.

 ??  ?? James
James

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines