Balita

Warriors, dinaig ng Mavs; Sacramento, angat SILAT!

-

SACRAMENTO, Calif. (AP) — Wala sa orihinal na lineup ng Sacramento Kings si Buddy Hield sa pagsisimul­a ng season. Ngayon, kabilang na siya sa top 3 sa threepoint shooter ng liga.

Hataw si Hield sa natipang franchise record na pitong threepoint­er para sa kabuuang 25 puntos para sandigan ang Sacramento kontra Phoenix Suns, 112-103, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Sa naitalang three-pointer, nakpo niya ang kabuuang 245 3-pointers ngayon season para buragin ang dating marka na 240 ni Peja Stojakovic noong 2003-04. Si Stojakovic ay nagsisilbi ngayong assistant general manager ng Sacramento.

“It feels good,” sambit ni Hield, ang 43-percent 3-point clip ay NO. 8 sa kasalukuya­n sa NBA. “My teammates found me in good spots. Some ones I had I wish I could get back but it’s a part of the game. It was fun, man. Peja’s been a big part of my success this year.”

“He’s having a terrific year,” pahayag ni Kings coach Dave Joerger. “A large part of our success has been his ability at different points in games where we’re struggling to score, he can go create his own offense. Couldn’t be happier for him.”

Nag-ambag si Harrison Barnes ng 25 puntos, tampok ang pitong threepoint­er, habang kumana si Nemanja Bjelica ng 13 puntis at 17 rebounds, at umiskor si De’Aaron Fox ng 13 puntos at siyam na assists.

Nanguna si Devin Booker sa Suns na may 32 puntos at tumipa si Deandre Ayton ng 19 puntos at 11 rebounds.

“We’ve just got to sustain that lead and not get complacent,” pahayag ni Booker. “When you have a 15-point lead, build on it. We didn’t do that tonight.”

Tangan ang 36-36 karta, naghahabol ang Kings sa slots sa playoff.

BLAZERS 117, PISTONS 112

Sa Portland, Ore., ginapi ng Blazers, sa pangunguna ni Damian Lillard na ay 28 puntos, ang Detrit Pistons.

Nag-ambag si Al-Farouq Aminu ng 22 puntos.

“His offensive rebounding, getting in the paint, driving,” pahayag ni Pistons coach Dwane Casey patungkol kay Lillard. “We were off helping or blitzing and he did a good job of, on the weakside, cutting and getting to the rim.”

Nanguna si Blake Griffin sa Pistons na may 27 puntos at anim na assists.

MAVS 126, WARRIORS 91

Sa Oakland, Calif., sinamantal­a ng Dallas Macericks, sa pangunguna ni Luka Doncic na kuman ng tripledoub­le – 23 puntos, 11 rebounds at 10 assists – ang pamamahing­a ni Stephen Curry para gibain ang Warriors.

Hataw din si Dirk Nowitzki sa nakubrang season-best 21 puntos bilang starter sa Mavericks.

Bumagsak sa No.2 ang Warriors sa Western Conference sa likod ng Denver Nuggets.

Ratsada sa Warriors si Kevin Durant na may 25 puntos, habang umiskor si DeMarcus Cousins ng 19 puntos. Malamya ang outside shooting ng Warriors sa 4 for 30 sa 3-point range, kapwa bokya sa long distance sina Durant at Klay Thompson.

Nadomina ng Mavs ang Warriors na naghabol mula simula hanggang wakas.

Nag-ambag sa Mavs sina Maxi Kleber na may 16 puntos at Ryan Broekhoff na kumana ng 17 puntos mula sa bench.

WOLVES 112, GRIZZLIES 99 Sa Memphis, Tenn., ginulantan­g ng Minnesota Timberwolv­es, sa pangunguna ni Karl-Anthony Towns na may 33 puntos at 23 rebounds, ang Memphis Grizzlies.

Hataw din si Andrew Wiggins sa naiskor na 22 puntos at nag-ambag si rookie Josh Okogie ng 17 puntos para sa Minnesota, opisyal na napatalsik sa playoffs nitong Biyernes.

Nanguna si Mike Conley sa Memphis na may 23 puntos, habang kumana si Jonas Valanciuna­s ng 20 puntos at 14 rebounds.

 ?? AP ?? NAITALA ni Sacramento Kings guard Buddy Hield (kanan) ang marka sa prangkisa ng Sacramento Kings sa pitong three-pointer sa panalo laban sa Phoenix Suns.
AP NAITALA ni Sacramento Kings guard Buddy Hield (kanan) ang marka sa prangkisa ng Sacramento Kings sa pitong three-pointer sa panalo laban sa Phoenix Suns.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines