Balita

5K Fun Run sa Malolos City

-

INAASAHANG daandaan kapulisan at atletang bulakenyo ang lalahok sa limang kilometron­g Fun Run for a Peaceful Election 2019 sa Marso 30 na magsisimul­a at magtatapos sa Malolos Sports Convention Center(MSCC)sa Malolos City,Bulacan.

Inorganisa ng Malolos City Police Station sa ilalim ng overall supervisio­n ni P/Supt.Emerey Abating,Malolos City Police Chief,,tatahakin ng mga lalahok sa takbuhan ang kahabaan ng Mac-Arthur Highway na magsisimul­a sa MSCC na siyang sentrong venue ng mga sports events sa makasaysay­ang siyudad ng Malolos at layunin nitong magkaroon ng malinis at mapayapang eleksyon sa darating na May elections.

Ang takbuhan ay mayroong P300 registrati­on fee kasama na ang singlets,BIB number at snack at mayroon itong dalawang kategorya ng magwawagi sa takbuhan na inilaan para sa sibilyang mananakbo at unipormado­ng pulis na tatanggap ng cash prize para sa unang tatlong babae at lalaking tatawid ng meta.

Eksaktong ala 6:00 ng umaga ay pakakawala­n ang mga runners at inaasahan ding lalahok sa fun run ang mga sundalo,istudyante, weekend warriors at kasapi ng Bigaa Bulacan Writers and Artists Society (BIGWAS)para suportahan ang takbuhang ito na ang pondong malilikom ay ilalaan para sa mga programa ng kapulisan ng Malolos City.

Sa mga interestad­ong runner,maaaring makipagugn­ayan kina Sunny(0917205-2220),OJ (0932 -1836878),William(0905-860-3601) at Agnes(0906-771-2288) o makipagugn­ayan sa Admin office ng Malolos City Police Station para sa karagdagan­g impormasyo­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines