Balita

Chelu Bar, asam ang liderato sa D-League

- Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (JCSGO Gym, Cubao) 2 p.m. - The Masterpiec­e Clothing-Trinity vs Marinerong Pilipino 4 p.m. - Che’Lu Bar and Grill vs McDavid

MAKAANGAT sa ikalawang puwesto ng Aspirants Group kasalo ng Cignal-Ateneo ang aasintahin ng Chelu Bar and Grill sa pagpapatul­oy ng 2019 PBA D League ngayon na lilipat naman ang aksiyon sa Quezon City sa pagdaraos ng double header sa JCSGO Gym sa Cubao.

Makakatung­gali ng Revellers sa huling laro ganap na 4:00 ng hapon ang baguhang McDavid kasunod ng unang salpukan ng mga Foundation Group squads The Masterpiec­e Clothing-Trinity University of Asia ganap na 2:00 ng hapon.

Taglay ng Revellers ang barahang 2-1 kasalo ang PetronLetr­an sa ikatlong posisyon, isang panalo ang layo sa pumapangal­awang CignalAten­eo.

Manggagali­ng ang Chelu sa 89-63 panalo kontra BatangasEA­C noong Marso 12 sa pamumuno nina Sean Manganti at Jesse Collado.

Sa kabilang dako, pipilitin namang masungkit ng McDavid ang mailap na unang panalo upang makaahon mula sa kinalalagy­ang ilakim ng standings kasalo ng Family Mart-Enderun College sa markang 0-3.

Samantala sa unang laro, tstsngkain naman ng Marinerong Pilipino na makapagsol­o sa ika-4 na puwedto ng Foundation Group sa pagtutuos nila ng winless pa ring The Masterpiec­e Clothing-Trinity .

Hawak ng Skippers ang patas na barahang 2-2, kasalo ng Diliman College-Gerry’s Grill kasunod ng Wangs Basketball(2-1), MetropacSa­n Beda (3-1), Valencia CitySan Sebastian(3-1) at ng di pa natatalong CEU (4-0).

Nakakatatl­ong laro na ang Stallions ngunit di pa rin nakakatiki­m ng panalo kung kaya nasa buntot ito ng Foundation Group kasama ng SMDC-NU (0-4).

 ??  ?? SINALUBONG ng mga tagahanga si Markus Rolli ng Germany sa kanyang pagtawid sa finish line at pagwagian ang Alveo Iron Man Pros Men’s Division, habang agaw-pansin ang Pinoy athete (kanan) sa elite class nitong Linggo sa Azuela Cove sa Davao City.
SINALUBONG ng mga tagahanga si Markus Rolli ng Germany sa kanyang pagtawid sa finish line at pagwagian ang Alveo Iron Man Pros Men’s Division, habang agaw-pansin ang Pinoy athete (kanan) sa elite class nitong Linggo sa Azuela Cove sa Davao City.
 ?? RIO DELUVIO ??
RIO DELUVIO
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines