Balita

Angelica, ‘toxic free’ na

- Ni REGGEE BONOAN

SADYANG maraming nag-abang sa pagtatapos ng Playhouse nitong Biyernes, Marso 22, dahil tinutukan nila kung natupad ang teaser nitong ‘finally home’, na ibig sabihin ay kung magkakabal­ikan sina Patty (Angelica Panganiban) at Marlon (Zanjoe Marudo).

Kaya naman umabot sa 191k ang likes sa eksenang ikinasal sina Patty at Marlon at 1,042 naman ang komento na masayang nabuo ulit ang pamilya nila sa Playhouse.

Anyway, inamin ng aktres na hawig ang kuwento ng personal niyang buhay at karakter niya sa Playhouse.

Ang caption ni Angelica sa ipinost niyang litratong ikinasal sila at nagkatawan­an sila ni Zanjoe.

“Lahat tayo, pwedeng maging masaya. Malapit sa puso ko si Patty Calumpang. Si Angge, lumaki sa pamilyang hindi niya kadugo. Pero makikipagp­atayan kami para sa isa’t isa.

“Ganun din si Patty. Magbubuwis siya ng buhay kahit hindi galing sa sinapupuna­n niya si Robin. Kasi si Robin, galing sa puso niya. At yun, higit sa lahat ang pinaka matindi at masarap na pagmamahal na pwede mong maramdaman.

“Meron ako nu’n. Sa totoong buhay at sa trabaho. Salamat PLAYHOUSE FAMILY. Habang buhay tayong pamilya. Salamat sa pagpaparam­dam sakin ng tunay na kaligayaha­n. Mahigit isang taon akong napagod tumawa. Kahit sarili kong tawa, ma-mimiss ko. Hanggang sa muli. PATTY CALUMPANG ILABAN (again) now signing off.”

Samantala, kasalukuya­ng nagbabakas­yon ngayon si Angelica sa Boracay Island para magrefresh at lumayo sa mga nakaka-stress sa kanya.

Base sa litratong ipinost ni Angelica na nakaupo sa puting buhangin at naka-magenta swimsuit, “Realizing you are now toxic free.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines