Balita

Janella, may comeback single

-

ANG Take It Easy ng singeractr­ess na si Janella Salvador ay isang empowering track on self love. Ngayong Buwan ng Kababaihan, inilabas ng multi-talented na si Janella ang kanyang much-awaited comeback, ang Take It Easy sa ilalim ng Star Music. With chill vibes and good pop beats, pinaaalala­hanan ng Take It Easy ang mga nakikinig – lalo na ang kababaihan – na manatiling totoo sa kanilang mga sarili, at huwag magpaapekt­o sa pagkukumpa­ra sa iba, para sa kanilang pagkatuto sa buhay.

“I fell in love with it (the song) instantly. It’s not your typical love song. I love love songs, but for something new, I want my first single to be inspiratio­nal; yet still modern, still something that you would listen to. I’m happy with the message of the song,” sabi ni Janella.

Ang single, na isinulat ni Anton Juarez, ay senyales ng pagbabalik ni Janella sa recording scene at ito lang ang simula ng marami pa niyang proyekto ngayong 2019. Sinimulan ng singer/actress ang kanyang unang musical path bilang Himig Handog 2014 interprete­r ng Mahal Kita Pero na isinulat ni Bobbie Mabilog, na nagwaging 3rd Best Song. Ang kanyang rendition ng mgakantang­KapagTumib­okangPusoa­tICan ay naging hit din; gayundin ang self-titled debut album niya sa ilalim ng Star Music. Naging Platinum record awardee rin siya. Matapos na maging Himig Handog interprete­r ulit para sa Wow Na Feelings ni Karlo Zabala, na nagwaging 4th Best Song noong 2017, sumabak na rin si Janella sa internatio­nal gigs. Siya ang napiling kumanta ng Philippine version sa Hong Kong Disneyland’s 10th Year Anniversar­y Celebratio­n dubbed na Happily Ever After at ng theme song ng Moana na How Far I’ll Go. Ang Take It Easy ay unang inilabas sa iTunes at Apple Music. Maaari na ring mapakingga­n ang comeback single ni Janella sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital stores simula March 22 and check out its music video premiere on MYX Philippine­s and Star Music’s YouTube channel this March 29.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines