Balita

Pumapag-ibig na digital short films sa ‘One Hugot Away’

- Ni NORA V. CALDERON

KUNG dati ay groundbrea­king at award-winning documentar­ies at programs lang ang ipino-produce ng GMA News and Public Affairs, ngayon ay pumasok na rin sila sa pagpo-produce ng digital love stories set to make hearts flutter, sa pamamagita­n ng first digital love story nilang One Hugot Away.

Ang mga millenials in love man o brokenhear­ted, mahilig sa mga “hugot lines”, at ito ang unang ipe-present ng GMA News and Public Affairs, na magtatampo­k kina Shaira Diaz at David Licauco as Ella and Ben respective­ly, sa episode entitled “Walang Label.”

Six months nang magkasama sina Ella at Ben at sabi nila, they “enjoy each other’s company”, pero si Ella hindi ma-feel kay Ben iyon. Hindi kasi consistent ang binata sa pagpapakit­a na may relasyon nga sila.

Kaya bang i-confront ni Ella si Ben at itanong kung may relasyon ba sila talaga o wala?

Sa ngayon ay ipinakikit­a na ang mga snippets ng short film sa GMA 7 during commercial gaps ng Kapuso Movie Festival,

Wowowin, at My Golden Life. Pero mapapanood na ito ngayong Lunes, March 25, sa Facebook account (www.facebook.com/ GMANetwork) at YouTube channel www.youtube.com/ GMANetwork) ng GMA Network. Ang kabuuan nito ay mapapanood sa Huwebes, March 28, pagkatapos ng TODA One I Love sa GMA 7. Ang One Hugot Away ay written by James Estrada at idinirek ni Zig Dulay. Ang The Clash alumna na si Muriel Lomadilla ang umawit ng theme song nito na Bakit ‘Di Na Lang Tayo?.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines