Balita

André Paras at Joyce Ching, Kapuso pa rin

-

NANANATILI­NG loyal Kapuso ang TV host-actor na si André Paras at ang aktres na si Joyce Ching matapos pumirma ng panibagong management contracts sa GMA Artist Center kamakailan.

Lubos na nagpapasal­amat si André sa mga proyektong ipinagkaka­tiwala sa kanya ng GMA.

“Sobrang saya ko sa lahat ng ibinibigay ng GMA. I’m very happy that they are exploring the other talents that I may have, in hosting, comedy and acting. Sobrang thankful ako kasi the Network really trusts me and of course, I trust them with my career. I’ll do everything to continue making people happy. That’s something I’m always proud to be doing,” saad ng Kapuso heartthrob.

Isa si André sa mainstays ng comedymusi­cal variety program na Sunday PinaSaya. Ngayon taon, mapapanood din si André sa ikalawang season ng top-rating singing completion na The Clash bilang backstage host kasama si Joyce Pring.

Ibinahagi niya rin kung ano ang dapat abangan ng Kapuso viewers sa upcoming season ng programa.

“It’s going to be bigger and more exciting. As much as I want to share kung ano pong mangyayari, I can just say that it’s going to be different and it’s something to look forward to,” sabi ni André.

Samantala, natutuwa naman si Joyce sa pananatili niya sa itinuturin­g niyang pangalawan­g tahanan sa loob ng 14 na taon, ang GMA.

“Masaya ang stay ko with GMA kasi ang dami kong natututuna­n in terms of sa mga roles na ibinibigay nila sa akin at hindi talaga nila ako pinapabaya­an ever since kaya sobrang thankful and grateful talaga ako sa GMA Network for giving me the chance to explore my talents,” aniya.

Sa kasalukuya­n, napapanood si Joyce bilang Astrid Chua sa Afternoon Prime Series na Dragon Lady.

Dumalo sa contract signing nina André at Joyce sina Senior Vice President for Entertainm­ent Group Lilybeth G. Rasonable, Senior Assistant Vice President for Alternativ­e Production­s Gigi Santiago-Lara, at GMA Artist Center Senior Talent Manager Vic del Rosario.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines