Balita

Kapit-bisig na ilantad ang pagkatao ng kandidato!

- Dave M. Veridiano, E.E.

MAGTULUNG-tulong tayong mga Pilipino na pasingawin ang baho at bango ng bawat pulitiko na tumatakbo sa halalan sa Mayo 13, 2019 upang maamoy ng mas nakararami nating kababayan ang halimuyak o alingasaw ng mga iboboto nilang kandidato.

Dapat lang na lahat ng sektor sa lipunan na ating ginagalawa­n ay kumikilos upang mabistahan at makilatis ang mga kandidaton­g tumatakbo sa ating mga lugar, at hangga’t makakaya ay ibahagi sa iba

pa nating kalugar o mga kababayan ang mga impormasyo­ng makukuha – mabuti man ito o masama para sa mga pulitiko.

Ang ilang halimbawa sa aking tinutumbok ay ang mga kandidaton­g ang kakapal ng mukha na tumakbo pa ngayong halalan, gayung patung-patong ang kaso ng pandarambo­ng na kinakahara­p ng mga ito.

Kamakailan lamang ay magkakasun­od na bumaba ang hatol ng Sandiganba­yan laban sa mga pulitiko na nagwaldas umano ng pera ng bayan habang nakaupo sa puwesto. Mayroon din na mga bagong kaso na isinampa naman sa Tanodbayan laban sa mga pulitiko na nag-ambisyon pa rin na tumakbo at manalo sa parating na halalan.

Ang ilan lamang sa mga bagong nahatulan ng Sandiganba­yan ay sina -- Sajid Ampatuan, gobernador ng Maguindana­o; Milagros Tan, representa­tive ng Samar; Mayor Jerry Pesigian ng Castañeda, Nueva Viscaya, at Imelda Marcos ng Ilocos Sur. Kapag idinagdag pa natin dito ang iba pang sumabit sa kasong graft noong mga nakalipas taon, ay baka ‘di na magkasya sa espasyo.

Ang karamihan pa nga sa mga

pulitikong ito ay ipinangang­alandakan sa mga taong pumupunta sa kanilang mga pa-meeting sa iba’t ibang malalayung lugar sa bansa, na “fake news” daw ang mga balitang naglalabas­an laban sa kanila. Anak ng pitong lintik! Ang nakaiinis dito ay ang ‘tila tinatangki­lik naman sa sila ng mga kababayan nating nadadala sa buladas at mga mala-komedyang palabas!

Sa paglilibot ko nitong mga nakaraang gabi sa ilang lugar dito sa Metro Manila, ay ‘di ko na halos mabilang ang mga naraanan at hinintuan ko na mga pagtitipon na mala-“meeting de avance” na may mga kandidaton­g kumakanta, sumasayaw at nagpapataw­a na animo performer ng mga “comedy bar” sa Quezon City.

At ang nakatawag ng aking pansin – karamihan, kung hindi man lahat, ang dumalo sa mga pagtitipon­g ito ay mga kababayan nating sinasabing nasa “laylayan ng lipunan”.

Ngunit kapansin-pansinat mabibilang lang sa daliri ang mga dumalo rito na nasa mataas na estado ang uri ng pamumuhay. Kalimitan kasi na dedma lang sila sa mga ganitong “political rally” – ngunit todo naman ang pagbatikos nila sa mga kababayan nating mahihirap, na pinararata­ngan

pa ng mga ito na umano’y siyang naguupo o naghahalal sa mga pulitikong “mandarambo­ng” sa kaban ng bayan.

Batay sa pinakahuli­ng survey ng Social Weather Station (SWS) – hindi mga corrupt na pulitiko ang hanap ng mga Pinoy – na malaking kabaligtar­an naman, kung ikukumpara natin sa resulta ng magkakasun­od na survey rin ng SWS, na karamihan sa mga kandidaton­g nakapasok at nasa top 10 pa nga, ay mga pulitikong tadtad ng kasong pandarambo­ng at mga matagal ding nakulong.

Marami pa rin sa mga kababayan natin ang inosente sa maruming laro ng pulitika sa bansa, kaya nararapat lang na magkapit-bisig tayong lahat – mahirap man o mayaman, bobo man o matalino - na alamin at pagaralan ang pagkatao at tunay na saloobin ng mga tumatakbon­g pulitiko sa ating mga lugar.

Anumang impormasyo­n ang mapagalama­n hinggil sa mga pulitiko, kailangang ibahagi ito sa ating mga kababayan na nangangail­angan ng wastong gabay, upang makapamili ang mga ito ng matino at karapat-dapat na mga kandidato.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines