Balita

Inulit lamang nina del Rosario at Morales ang ginawa noon ng Pinoy

- Ric Valmonte

NAGSAMPA ng kaso sa Internatio­nal Criminal Court (ICC) sina dating Foreign Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Morales laban kina China President Xi Jinping at iba pang Chinese official dahil sa kanilang tampalasan at malupit na aksyon sa South China Sea na nasa loob ng hurisdiksy­on ng Pilipinas. Anila, ang may kapangyari­hang

mang-usig sa mga krimeng ay ang ICC.

Isinampa nila ang kaso bilang kinatawan ng mga Pilipino at maraming mangingisd­ang Pilipino na nilapastan­gan at sinaktan ng China sa paggawa ng isla at pagsakop sa mga isla sa West Philippine Sea na nasa loob ng 370-kilometer exclusive economic zone ng Pilipinas. “Sa pagpapaira­l ng mapamaraan­g plano para sakupin ang South China Sea, sina Pangulong Xi Jingping at iba pang opisyal ng China ay nakagawa ng krimen sa loob ng hurisdiksy­on ng ICC, kinapapalo­oban ng pagwasak sa kapaligair­an ng mga bansa, na hindi lang nakaaapekt­o sa iba’t ibang grupo ng mga mangingisd­a kundi maging ang kasalukuya­n at darating pang henerasyon ng mamamayan ng mga bansa. Ito ang grabeng sisira sa seguridad ng pagkain at enerhiya ng mga bansa sa South China Sea, kabilang na rito ang Pilipinas,” wika nina Del Rosario at Morales.

“Karapatan nilang magsampa ng kaso, pero sinasabi ko na walang hurisdiksy­on ang ICC sa Pilipinas at sa China, lalo na sa China,” wika ni Pangulong Duterte sa mga

mamamahaya­g bilang reaksyon niya sa ginawa nina Del Rosario at Morales. Pero, aniya, hindi maaapektuh­an ang realsyon ng Pilipinas at China. Hindi mahalaga kung maaapektuh­an ang diplomatic relations ng dalawang bansa.

May kapangyari­han man ang ICC sa China o wala, sa akin, hindi ito isyu ito sa sambayanan­g Pilipino. Kasi, magtagumpa­y man o hindi sina Del Rosario at Morales sa kanilang ginawa, ngayon pa lang ay nagtagumpa­y na sila at ang kanilang kinakatawa­ng mamamayang Pilipino at maraming mangingisd­a laban sa unti-unting pananakaop ng China. Kahit ordinaryon­g tao, ay sumasalung­at sa ginagawa ng higanteng bansa. “Ang hakbang na papanaguti­n ang dominanten­g lider sa ilalim ng rule of law ay nagpapakit­a na kahit ordinaryon­g Pilipino ay kayang ipagtanggo­l ang soberanya natin,” sabi ni Florin Hilbay, isa sa mga kandidato ng oposisyong Otso Diretso para sendaor. Si Hilbay din na dating Solicitor General na namuno sa legal team na nagpanalo sa kaso ng bansa laban sa pag-angkin ng China sa South China Sea sa Permanent Court of Arbitratio­n sa Hagne.

Pero sa kabila ng tagumpay na ito ng Pilipinas, ayaw naman itong panindigan at igiit ni Pangulong Duterte upang kahit paano ay masawata ang walang tigil na pagsakop ng China sa teritoryon­g napagwagia­n ng bansa. Kaya tama si Magdalo Rep. Gary Alejano, isa ring kandidato ng Otso Diretso sa pagkasenad­or, wika niya: “Ito (ang ginawa nina del Rosario at Morales) ay sampal sa gobyerno ng Pilipinas na tumangging papanaguti­n at parusahan ang hindi na mabibilang na pagkakasal­a ng China laban sa mga mangingisd­ang Pilipino at pagsira sa ating marine environmen­t.”

Dahil nga sa pagtanggin­g ito ng ating gobyerno, malaya nang nagawa ng China ang kanyang kagustuhan ayon sa kanyang layunin na makontrol ang bahaging ito ng Southeast Asia partikular ang karagatan para sa malayang kalakalan ng mga bansa. Hindi naman naiiba ang ginawa nina del Rosario at Morales dahil ganito rin naman ang ginawa ng taumbayan nang hindi na nila magamit ang kanilang gobyerno para sa kanilang kapakanan noong panahon ng diktadura.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines