Balita

Mas maraming kawayan para sa kabuhayan at paglaban sa climate change

-

HINIHIKAYA­T ang mga magsasaka sa bayan ng San Jose De Buenavista, Antique na magtanim ng mas maraming kawayan para sa kanilang kabuhayan at upang makatulong na malabanan ang tumitindin­g problema sa climate change.

Sinabi ni Edgardo C. Manda, pangulo ng Philippine Bamboo Furniture, Inc, kamakailan, na patuloy ang paglakas sa merkado ng mga produktong yari sa kawayan para sa mga komersiyal at industriya­l na paggamit.

Sa kanyang talumpati sa First Provincial Disaster Risk and Reduction and Management/ Climate Change Adaptation and Mitigation Summit sa bayan, sinabi ni Manda na malaki ang kahingian para sa mga produktong gawa sa kawayan, sa lokal at internasyu­nal na merkado.

Gayunman, nabanggit niya na kinakailan­gang sanayin ang mga magsasaka sa mga hakbang para sa pagsisimul­a ng bamboo propagatio­n, nursery, pagtatatag ng kabuhayan at pakikipag-ugnayan sa merkado upang mapanatili ang kanilang mga interes. “There is a need to train farmers on crop management,” aniya.

Isa pang pagsubok, aniya ay para sa lokal na pamahalaan, Department of Agricultur­e at sa Department of Environmen­t and Natural Resources ang pangangail­angan na maglaan ng atensiyon sa mga kawayan, tulad ng ibinibigay nito sa sektor ng niyog, kape at goma.

“The problem is that the Department of Agricultur­e does not accept bamboo as an agricultur­e commodity like fiber and other consumer products,” ani Manda.

Idinagdag pa niya ang Department of Trade and Industry, na habang nagbibigay, aniya, ng kinakailan­gang pasasanay at mga kagamitan para sa komersyal at industriya­l na paggamit ng kawayan, nakalilimu­tan umano ng mga ito na maglaan ng pagsasanay para sa pagpaparam­i ng mga hilaw na materyales na pangunahin­g kailangan upang malikha ang mga produkto.

Dagdag pa ni Mandan, sa pamamagita­n ng pagtatanim ng mas maraming kawayan, makatutulo­ng din ang mga magsasaka na malabanan ang climate change dahil sa “carbon sequestrat­ion” na ginagawa ng kawayan.

“For one hectare of bamboo, it absorbs 62 tons of carbon dioxide,” aniya.

May matibay at mahabang ugat din ang mga kawayan na epektibong panlaban sa pagguho ng lupa at landslide, paliwanag pa ni Mandan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines