Balita

Kelot tinutugis sa boga, bala

- Bella Gamotea

Pinaghahan­ap ng Muntinlupa City Police ang isang lalaki na nagmamay-ari ng baril at mga bala na nakuha sa mismong bahay nito sa nasabing lungsod, iniulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si Anthony Santos Pasion, nasa hustong gulang, ng No. 70 Garcip Compound, Purok 1, Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Sa ulat, nagsilbi ng search warrant ang mga tauhan ng Muntinlupa Police, sa pangunguna nina Supt. Maurito Caranguian at Senior Insp. Herbert Baylon, commander ng Police Community Precinct (PCP) 4, sa bahay ni Pasion, bandang 6:00 ng umaga.

Natunugan umano ng suspek ang mga pulis at tumakas.

Bitbit ang search warrant at seizure order No. 19-008, na inisyu ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 Presiding Judge Juanita Guerrero, para sa Comprehens­ive of Firearm and Ammunition­s Law (RA 10591), ginalugad ng awtoridad ang loob ng bahay ni Pasion.

Nasamsam ang isang revolver frame, na walang cylinder at serial number; isang .38 caliber revolver, na burado ang serial number; isang red ammunition box, na naglalaman ng 93 pirasong empty cartridge cases ng .45 caliber pistol; isang maliit na kahon, na may 17 bala ng M16; 11 bala ng .22 caliber; at anim na bala ng .32 caliber.

Unang nakatangga­p ng report ang pulisya kaugnay ng umano’y pagtatago ng mga baril at bala ng suspek, dahilan upang hilingin ang permiso ng korte na salakayin ang bahay ng suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines