Balita

DoJ chief: Kaso vs Xi, pamumuliti­ka lang

- Nina REY G. PANALIGAN at ROY C. MABASA

Sinabi kahapon ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra na politicall­y motivated ang reklamo sa Internatio­nal Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping na inihain ng dalawang dating opisyal ng Pilipinas na kilalang makaoposis­yon.

Ayon kay Guevarra, batid ng mga nagreklamo na sina dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales na maibabasur­a ang kanilang asunto dahil sa kawalan ng hurisdiski­yon sa China na hindi miyembro ng ICC.

“These jurisdicti­onal requiremen­ts are obviously not met, so we expect the ICC to dismiss the complaint,” ani Guevarra.

Hindi lumagda ang China sa Rome Statute noong 1998, hanang iniurong naman ng Pilipinas ang membership nito sa ICC epektibo nitong Marso 17.

Kaya’t naniniwala si Guevarra na ang paghahain ng reklamo ay may halong politika.

“The complaint against President Xi is really a political statement more than a legal action, and is thus intended to achieve a political result rather than a legal victory,” diin niya.

Aniya, maaaksiyun­an lamang ng ICC ang reklamo kung inihain ito mismo ng gobyerno ng Pilipinas noong ito ay miyembro pa.

Inaakusaha­n ng reklamo si President Xi na nakagawa ng mga krimen laban sa Pilipinas at sa mga mangingisd­ang Pilipino o crimes against humanity sa pinagtatal­unang mga bahagi ng South China Sea, na idineklara­ng nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

SERYOSONG MANALO Nilinaw naman ni Del Rosario na si President Xi at hindi si Pangulong Duterte ang nagbigay ng “significan­t problems” sa South China Sea, kayat inihain nila ang reklamo laban sa Chinese leader sa ICC sa The Hague.

Ang reklamo laban kay Xi at iba pang Chinese leaders na kinabibila­ngan nina State Councilor at Foreign Minister Wang Yi at Ambassador to the Philippine­s Zhao Jianhua ay inihain noong Marso 15, dalawang araw bago ang opisyal na pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

“I don’t agree that the Duterte administra­tion was an enabler because a lot of those islands where there already when he became president,” ani Del Rosario sa press conference sa Makati City, nitong Biyernes ng gabi.

Pinayuhan din niya ang China na seryosohin ang reklamo dahil seryoso rin silang ipanalo ang labang ito.

“If I were China, I would take this seriously because this is not our first encounter with them. It’s our second encounter and we are very serious about winning this encounter, as well,” ani Del Rosario.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines