Balita

Manila Water, pinagbabay­ad sa pagkalugi ng hospitals

- Charissa M. Luci-Atienza

Nananawaga­n ang isang mambabatas ng oposisyon sa Manila Water na bayaran ang Department of Health (DoH) ng halos P4 na milyon na pagkalugin­g idinulot ng kakulangan ng tubig sa mga pampubliko­ng ospital sa Metro Manila.

Sinabi ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na dapat bayaran ng water concession­aire ang mga pampubliko­ng ospital na nagtala ng kabuuang pagkalugi na P4.116M

“Nauubusan na ng pasensya ang taumbayan. Dapat ibalik ng Manila Water sa normal ang tubig sa Metro Manila, at ang malaking perang nawala dahil sa kapalpakan nila,” saad sa kanyang pahayag.

Binanggit ang nakaraang ulat, sinabi ni Villarin na ibinunyag ng DoH na mula Marso 8 hanggang 18, 2019, ang Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), National Center for Mental Health, East Avenue Medical Center, at ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center ay nalugi ng kabuuang P4.116M.

Ikinalungk­ot niya na ang anim na ospital ay nagdagdag ng operationa­l costs na P1.372M, habang ang Rizal Medical Center at NKTI ay nabawasan ng tinatayang P630,000 at P1.750M kita, ayon sa pagkakasun­od, o kabuuang P2.380M resulta ng paglilimit­a sa kanilang pasyente dahil sa limitadong supply ng tubig, mula Marso 12 hanggang 18.

“Muntik nang maging krisis sa kalusugan at kabuhayan ang krisis sa tubig dahil nagpabaya ang Manila Water,” ani Villarin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines