Balita

Libu-libong riders, nagprotest­a vs malaking plaka

- Nina CHITO A. CHAVEZ at LEONEL M. ABASOLA

Dumagsa ang libu-libong motorcycle riders sa People Power Monument sa Quezon City kahapon ng umaga para sa National Unity Ride kontra sa pagkakaroo­n ng mas malaking plaka para sa motorsiklo.

Iginiit ng mahigit 10,000 riders na magdudulot ng matinding panganib sa mga rider at maging sa publiko ang Motorcycle Crime Prevention Act na inaprubaha­n kamakailan, kaya mariin nila itong tinututula­n.

Tatlong lane sa EDSA-White Plains northbound ang inokupa ng libu-libong rider, kaya naman tumindi pa ang trapiko sa EDSA.

Pagkatapos ng programa, dumiretso ang motorcade ng mga riders sa Trinoma, saka nag-U-turn papunta sa southbound lane patungo sa SM Mall of Asia (MOA) hanggang sa Macapagal at Diokno Boulevards, at tinumbok ang Senado, kung saan nagtapos ang Unity Ride.

Alinsunod sa Motorcycle Crime Prevention Act, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Marso 8, inaatasan ang Land Transporta­tion Office (LTO) na magpalabas ng mas malaki, mas madaling mabasam, at color-coded na plaka para sa lahat ng motorsiklo sa bansa.

Dapat na sapat ang laki ng plaka para mabasa sa lasong 15 metro.

Kaagad naman itong mariing tinutulan ng transport groups, at iginiit na maaaring ikapahamak ng rider at ng mga pedestrian ang mas malaking plaka ng motorsiklo.

“If we place plates that are too big and will be affected by wind, there’s no assurance that the mounting points will hold these plates in place,” sabi ni Joebert Bolanos, ng Riders of the Philippine­s.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Senador Richard Gordon ang LTO na maging mainat sa paggawa ng Implementi­ng Rules and Regulation­s (IRR) ng nabanggit na bagong batas.

“The government is now taking action against riding-in-tandem crimes with the enactment of this law. We should not let this law die because of poor implementa­tion that is why the LTO should do the IRR properly,” sabi ni Gordon, may akda ng nasabing batas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines