Balita

Suspek sa Silawan killing, pinalaya

-

CEBU CITY – Pinalaya na ng pulisya ang binatilyon­g suspek sa brutal na pamamaslan­g sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan habang inililibin­g ang dalagita nitong Sabado.

Paglilinaw ni Atty. Vincent Isles, abogado ng 17-anyos na suspek, pinakawala­n ng Lapu-Lapu City Police ang suspek matapos niyang kuwestiyun­in ang legalidad ng pagaresto sa binatilyo.

Sinabi ni Isles na matapos niyang sunduin sa presinto ang suspek nitong Sabado ng hapon ay kaagad niya itong idiniretso sa isang safe house.

“Last Thursday, we filed an omnibus motion to release the boy from the custody of the homecare facility of the social welfare office because there is no valid ground for him to be held under the custody of the law,” paglilinaw ni Isles.

Ang suspek ay dinakip ng nga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion (NBI)-Region 7 sa bahay nito sa Barangay Maribago sa lungsod nitong Marso 16 at kinasuhan ng murder.

Ayon sa abogado, hindi na maaaring maipatupad ang warrantles­s arrest dahil lagpas na sa limang araw ang nakalipas nang mangyari ang krimen.

Kaugnay nito, puno naman ng emosyon ang paglilibin­g kay Silawan sa Cattleya Cemetery sa Cordova, Cebu nitong Sabado.

Dismayado naman si Presidenti­al Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez sa pagpapalay­a sa suspek at sinabing maraming “butas” ang isinagawan­g imbestigas­yon sa kaso.

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? PIGHATI NG ISANG INA Bago inihatid sa huling hantungan, hindi napigilan ni Lourdes Silawan, ina ni Christine, na iyakan ang labi ng anak matapos itong misahan sa Sto. Niño Parish Church sa Bgy. Mactan, Lapu-Lapu, sa Cebu, nitong Sabado.
JUAN CARLO DE VELA PIGHATI NG ISANG INA Bago inihatid sa huling hantungan, hindi napigilan ni Lourdes Silawan, ina ni Christine, na iyakan ang labi ng anak matapos itong misahan sa Sto. Niño Parish Church sa Bgy. Mactan, Lapu-Lapu, sa Cebu, nitong Sabado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines